Kumakalat ngayon sa social media ang diumano’y isang magpapatunay na hindi lang isang araw naging magkasama ang aktor na si Paolo Contis at Yen Santos.
Isang CCTV footage na ibinahagi ng isang netizen ang pinag uusapan ngayon dahil sa makikita na noong August 25 pa lamang ay nakita na ang dalawa na kumakain sa isang ramen restaurant sa Baguio City.
“1 day in Baguio? Really? August 25 in Agare Ramen Baguio, then September 3 sa Lemon and Olives. Sinong niloloko niyo?” komento ni @khimmywinky sa ilang mga tweet tungkol sa pahayag ni Paolo.
Laroooo. For a day daw pero aug 25 nakapag dine in sa isang Jap Resto sa Baguio, then Sep 3 sa Greek Resto naman with matching subuan. Galeeeeeng 🤪 pic.twitter.com/L6YJAwJIkh
— wink wink (@khimmywinky) September 8, 2021
Hindi naman malaman kung paano kumalat sa publiko ang CCTV footage ng nasabing establisyemento.
Ilang netizen naman ang humanga dahil tila walang lusot ang aktor sa mga “CCTV” sa nasabing siyudad.
Sa kanyang pahayag ay iginiit ni Paolo na “kaibigan” niya lamang si Yen at “isang araw” lamang silang nagkasama sa Baguio.
Ayon sa kanya ay inimbitahan niya lang si Yen sa nasabing siyudad dahil wala siyang makausap.
“When LJ left for the States with the kids, I went to Baguio for 3 days dahil ayaw ko sa Manila at gusto kong makapag isip isip. Naging insensitive ako about sa possible effects nung issue and I invited Yen for a day para may makausap since malapit lang siya sa North din.” ani Paolo.
“She went there as a friend. Hindi ko naisip na madadamay siya ng ganito. I’m sorry for this,” dagdag niya pa.
Inamin din nito na may naging kabit siya ngunit itinanggi niya na si Yen ito.
“Aaminin ko naging marupok ako sa ilang taon naming pagsasama.” ani Paolo.
“Yen Santos was never the reason of our break up. I was. Kung matagal na kaming hindi okay ni LJ, it was mainly because of me. Masyado niyo siyang diniin sa issue na to. Pati pag promote namin ng movie nabahiran na ng kung ano ano,”
Hindi pa nagbibigay ng pahayag si Paolo sa panibagong kumakalat na ebidensiya laban sa kanya.