Home Celebrities Paolo Contis, inamin na may iba siyang babae: “Aaminin ko, naging marupok ako!”

Paolo Contis, inamin na may iba siyang babae: “Aaminin ko, naging marupok ako!”

0

Sa unang pagkakataon ay nagsalita na ang aktor na si Paolo Contis matapos ang hiwalayan nila ng kanyang partner na si LJ Reyes.

Sa kanyang Instagram post, sinagot ni Paolo isa isa ang mga akusasyon na ginawa sa kanya habang siya’y nananahimik.

Inamin din niya na labis siyang naapektuhan ng mga komento laban sa kanya matapos ang panayam kay LJ ng tanyag na television host na si Boy Abunda.

“After lumabas ang interview ni LJ, katakot takot na pang aalipusta at pambabatikos ang natanggap ko. I can’t say I don’t deserve it kaya tinatanggap ko lang ito. I understand all your frustrations. Gusto ko sana manahimik kaya lang marami nang mga nadadamay na hindi dapat kaya mas mabuti sigurong sagutin ko ang ilan sa mga ito…” ani Paolo.

paolo 1

Itinanggi ni Paolo na may bisyo siya at pinagbubuhatan ng kamay si LJ, ngunit inamin naman niya na nagkaroon siya ng ibang babae sa gitna ng relasyon nila ng kanyang partner.

“Aaminin ko, naging marupok at g*go ako sa ilang taon naming pagsasama. I’m not proud of it. For that, I’m sincerely sorry. I’m truly ashamed of my actions,” ani Paolo.

 

paolo 3

Itinanggi naman nito na ang aktres na si Yen Santos ang naging dahilan kung bakit sila naghiwalay ni LJ.

Ayon sa kanya ay magkaibigan lamang sila at wala silang itinatagong relasyon.

Pero kinumpirma naman ni Paolo na si Yen nga ang babae na nakasama niya sa Baguio kung saan ay may ilang litrato at video nila ang kumalat.

paolo 4

Nakiusap din si Paolo sa mga netizens na wag ng batikusin ng mga tao ang talent manager na si Lolit Solis.

paolo 5

Nirerespeto naman ni Paolo ang naging desisyon ng kanyang dating partner na pumunta muna sa Amerika kasama ang kanilang mga anak.

paolo 6

Sa ngayon ay wala pang tugon si LJ tungkol sa nasabing isyu.

Inulan naman ng batikos si Paolo sa mga netizens lalo na ng aminin niya ang kanyang pagtataksil sa kanyang partner.

 

 

Facebook Comments