Tila nabaliktad pa ang ina ni Antonette Gail del Rosario na si ginang Dolly Del Rosario sa programang Raffy Tulfo in Action (RTIA).
Humingi ng tulong ang ginang sa Raffy Tulfo in Action para sana’y makuha ang kanyang anak na ngayo’y nakatira sa influencer na si Whamos Cruz.
Ayon kasi sa ina ni Antonette ay sinisilaw daw ni Whamos ang kanyang anak sa mga materyal na bagay at labis daw itong nakaapekto sa relasyon nilang mag ina.
Bigla na lamang din daw itong umalis ng walang paalam at hanggang ngayon ay hindi bumabalik.
Dahil dito ay hindi nagdalawang isip si Tulfo na tulungan si Dolly at agad itong nangako na ibabalik nito ang anak ng complainant na menor de edad pa diumano.
Ipinaliwanag ng abogado sa programa na si Atty. Garreth Tungol na kahit kusang sumama so Antonette kay Whamos ay labag parin ito sa batas.
Ngunit nag iba ang ihip ng hangin ng ibigay na ni Antonette ang kanyang panig sa programa.
Ayon kasi kay Antonette ay pumayag naman daw ang kanyang ina na sumama kay Whamos, pero bigla na lamang daw nagbago ang isip nito ng lumabas sila sa KMJS (Kapuso Mo, Jessica Soho).
“Ganito po kasi ‘yan bago po kami maghiwalay nag usap po talaga kami nila mommy at ni Whamos at tinanong ko kung okay lang ba na kila Whamos muna ako, ang sabi po nila ok lang daw po,” ani Antonette.
“Pero nung nakita nila ‘yung father ko sa KMJS (Kapuso Mo, Jessica Soho) doon po sila gumawa ng aksyon,” dagdag niya pa.
Idinagdag pa ni Antonette na nakaranas siya ng hindi maganda sa stepfather niya.
“Minomolestiya po ako ng asawa niya, ilang years ko pong kinimkim ‘yun,” naiiyak na rebelasyon ni Antonette.
Dahil dito ay pinayuhan bigla ni Tulfo si Antonette na wag ng umuwi sa kanyang ina.
Itinanggi naman ng ina ni Antonette ang mga akusasyon ng kanyang anak laban sa stepfather niya.
“Hindi naman ‘yan magtatagal sa’min. May testigo po ako, andito po ang mama ko, matagal po silang nakatira dito, gawa gawa na lamang po nila ‘yan,” sabi ng ginang.
Hindi naman naitago ni Antonette ang kanyang pagkadismaya dahil mas pinili pa ng kanyang ina na ipagtanggol ang kanyang karelasyon kaysa sa kanyang sariling anak.
Sa ngayon ay nasa poder si Antonette ng kanyang tunay na ama.
Umabot na ng daan daang libong views ang nasabing video.
Hindi pa nagbibigay ng pahayag si Whamos tungkol sa isyu.