Home Celebrities Gil ‘Ate Gay’ Morales, inalis sa friendlist ang mga puro reklamo sa gobyerno: “Walang ginawa kundi mang nega!”

Gil ‘Ate Gay’ Morales, inalis sa friendlist ang mga puro reklamo sa gobyerno: “Walang ginawa kundi mang nega!”

0

Palaban ang naging mensahe ng komedyante na si Ate Gay o Gil Morales sa totoong buhay para sa mga kaibigan niya sa Facebook na puro daw reklamo sa gobyerno ang ginagawa.

Sa kanyang Facebook post na ngayo’y burado na ay binanatan ni Ate Gay ang mga kaibigan niya na diumano’y kritiko ng kasalukuyang administrasyon.

Ayon sa kanya ay nagumpisa daw ang paghihirap ng bansa noong 1986, ang taon kung saan ginanap ang People Power Revolution na nagpatalsik sa dating Pangulong Ferdinand Marcos.

“Delete ko mga friends ko dito na walang ginawa kundi mangnega ng umaga ang manisi ang sisihin ang gobyerno.. basa din alamin ang pinagmulan ng paghihirap ng pinas.. simulan nyo ng 1986,” ani Ate Gay.

241628445 1718676764990882 4201279596048341687 n
Screencap mula sa ngayo’y burado ng post ni Ate Gay

Nakakuha ng halong reaksyon ang sinabing ito ni Ate Gay.

May mga netizen na hindi nakapagpigil at sinugod siya sa kanyang social media page para batikusin.

Kahit sa post nito tungkol sa Birheng Maria ay inulan ng batikos ang komedyante.

Ngunit may ilang fans si Ate Gay na sinabi na hindi deserve ng komedyante na batikusin dahil sa paniniwala niya sa politika.

“Galit kayo dahil hindi kayo pareho ng sinusuportahan? Okay gets ko Yun.. Pero bakit dito sa post na toh kayo rumaratrat? Grabe!” ani Jervie Real.

Hindi naman nagpatalo si Ate Gay at tumugon ito sa ilan sa kanyang mga bashers.

 

Facebook Comments