Home Celebrities Ina ni Antonette Gail del Rosario kay Whamos Cruz: “Ibalik mo ang menor de edad kong anak!”

Ina ni Antonette Gail del Rosario kay Whamos Cruz: “Ibalik mo ang menor de edad kong anak!”

0

Ginulat ang social media ng mensahe mula sa ina ni Antonette Gail del Rosario matapos itong magbanta sa influencer na si Whamos Cruz.

Naging viral si Antonette at Whamos dahil sa kanilang kakaibang love story na naitampok pa mismo sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS).

Kahit ang ama ni Antonette ay pumayag naman sa relasyon nito kay Whamos, ngunit iba ang naging tugon ng ina nito na si Dolly del Rosario.

240921713 383849903266039 2891743425355298879 n

Sa kanyang mahabang Facebook post, nagpakita ng panghihinayang si Dolly sa kanyang anak na si Antonette dahil sa tila hindi na nito iniintindi ang kanyang pag aaral simula ng nakilala nito si Whamos.

Hindi narin daw siya pinapansin ng kanyang anak simula ng maging karelasyon ang influencer.

 “Magtatapos ka pa ng pag aaral, madami pa kami pangarap sayu. Tulungan niyo kaming mabalik sa totoong pamilya ni Antonette Gail del Rosario.” sabi ng ginang.

“Alam mo yan mula nung maliit kapa kami ang nakasama mo! Wag mo sayangin ang panahon, wag ka mag pauto sa mga taong ginagamit ka lang din. Hindi ako nag kulang sa inyo. Ginagawa ko lang ang tama at dapat para sa inyo. Wag niyo baliwalain magulang nyo padin ako,” dagdag niya pa.

dolly 1
Screenshot mula sa post ni Mrs. Del Rosario

Sa isa pang post ay binanatan naman ni Dolly si Whamos at tinawag itong walang kwentang ama dahil sa pang iiwan diumano nito sa una niyang pamilya.

Matatandaan na naging usap usapan si Whamos matapos itong batikusin ng isa sa mga kamag anak daw ng dati nitong partner dahil sa iniwan na lamang daw ng influencer ang kanyang pamilya kapalit ng kasikatan na tinatamasa nito.

‘Ngayun pamilya na pala ang tatay na walang kwenta ni Hindi pinag laban ang anak at pamilya para iahon sa hirap at suportahan..pamilya na pala tawag sa mga ganung ama,” ani Dolly.

“Kelan mo balak iuwi sa pamilya nyang batang bata at menor de edad kong anak. Halos ayaw mo layuan anak ko nung nasa bahay ka …masyado mo sinilaw sa material na bagay Ang anak ko .at ayaw mo halos mawala sa paningin mo ang anak ko..Hindi mo binibigay obligasyon ko bilang ina ni tonet sayu ..kung matino ka lalaki Sana lang inayus mo yang pamilyang binuo mo at inanakan mo..panu ka magiging good example sakin? Ganun din ba balak gawin mo sa anak ko, pag pinagsawaan iiwan?” dagdag niya pa.

dolly 3

Sa ngayon ay umabot na sa programang Raffy Tulfo in Action (RTIA) ang nasabing isyu.

Wala pang tugon ang magkasintahan sa mga maanghang na mensahe ng ginang.

Facebook Comments