Home Celebrities Ex ni Rabiya Mateo, sinubukan pumasok sa PBB: “Nakakalungkot pala na maiwan ng taong mahal mo dahil sa pangarap nitong korona”

Ex ni Rabiya Mateo, sinubukan pumasok sa PBB: “Nakakalungkot pala na maiwan ng taong mahal mo dahil sa pangarap nitong korona”

0

Ikinagulat ng mga netizens ang balita na nag audition ang ex-boyfriend ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo na si Neil Salvacion para sa Season 10 ng Pinoy Big Brother.

Sa kanyang audition video ay ibinahagi ni Neil ang kanyang mga karanasan bilang nurse lalo na sa gitna ng pandemya.

Ibinahagi din nito na imbis na siya’y magtrabaho sa ibang bansa para sa mas malaking sweldo ay mas pinili niya na magsilbi sa kanyang sariling bayan.

neil 2 e1631032233512

“Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, ang buhay ko po ay hospital, bahay. Minsan ay masisilayan mo yung mga huling hininga ng mga pasyente,” ani Neil.

“Dumating ang panahon na bawal kang lumapit sa mga mahal mo sa buhay dahil hindi mo alam kung positive o negative ka. Kailangan mong mag-isolate. Nakakalungkot man na kailangang ma-isolate ng ilang buwan.” dagdag niya pa.

Ngunit napansin ng mga netizen na tila may pasaring si Neil kay Rabiya na nakipaghiwalay sa kanya matapos itong sumali sa Miss Universe.

“Mas nakakalungkot pala na maiwan ka ng taong minamahal mo dahil sa pangarap nitong korona.” saad ni Neil.

“It’s about time to share my story, how I conquered them, and how I will inspire other people. Bagong bahay, bagong buhay, bagong mga hamon sa buhay,” dagdag niya pa.

Wala pang tugon si Rabiya sa mga pasaring sa kanya ng ex niya.

Matatandaan na noong Mayo 2021 ay napabalitang nagkalabuan na ang dalawa at binura ang mga litrato nila sa social media pages nila.

Pinaghihinalaan ding third party ang dahilan ng kanilang hiwalayan ngunit mariin itong itinanggi ni Rabiya.

Facebook Comments