Home Celebrities Cristy Fermin may bwelta kay Manny Pacquiao: “Hindi gunggong ang sambayanang Pilipino”

Cristy Fermin may bwelta kay Manny Pacquiao: “Hindi gunggong ang sambayanang Pilipino”

0

Binuweltahan ng radio host at kolumnista na si Cristy Fermin ang pambansang kamao Sen. Manny Pacquiao matapos nitong ipagtanggol ang kanyang asawa na si Jinkee Pacquiao dahil sa pananamit nito.

Matatandaan na binatikos noong August 24 ay tinawag na “walang kahihiyan” ni Cristy ang pagsosoot ni Jinkee ng mamahaling damit dahil sa ginagawa parin ito ng asawa ng pambansang kamao kahit na marami ang nagugutom.

Ipinagtanggol naman ni Sen. Manny ang kanyang asawa at sinabi na pinaghirapan niya naman ang pinambibili ng soot ni Jinkee at mukha lang daw mamahalin ang mga damit nito.

jinkee 2

Ngunit hindi kumbinsido si Cristy sa katwiran ng senador dahil totoo namang mahal ang damit na isinosoot ni Jinkee at hindi mumurahin.

“Hindi namna po gungong ang sambayanang Pilipino para maniwala na ang Louis Vuitton, ang Hermes at iba pang branded stuff na isinosoot ng inyong misis ay mumurahin lang, wag naman,” ani Cristy.

“Kumbaga na defeat yung purpose mo doon, hindi totoo ‘yon mamahalin talaga kaya lang totoong wala kaming pakialam doon, pero sabihin mo mukha lang mamahalin pero mura lang teka parang isang malaking argumento ito senator Pacquiao.” dagdag niya pa.

jinkee 3

Dahil daw dito ay napaisip ang isa sa mga kaibigan ni Cristy kung itinatago ba ni Jinkee kay Manny ang presyo ng mga binibili nitong gamit.

Itinanggi din ng kolumnista na naiingit siya sa mga isinosoot ni Jinkee.

Iginiit din ni Cristy na wala talaga sa timing ang pagsosoot ng mamahalin ni Jinkee.

“Yung timing na tinatawag napakahalaga ‘non,  magiging sensitive tayo dapat sa ating kapaligiran lalo na kondisyon ng ating bayan at ng buong mundo,” saad ng kolumnista.

Naniniwala si Cristy na sa presyo ng mga gamit ni Jinkee ay kaya na nitong pakainin ang isang buong barangay.

Wala pang tugon si Manny at Jinkee sa mga bagong banat sa kanila ni Cristy.

 

Facebook Comments