Mismong ang kilalang kolumnista at radio host na si Cristy Fermin na ang nag kumpirma na magkasama nga ang aktor na si Paolo Contis at aktres na si Yen Santos sa Manaoag, Pangasinan.
Matatandaan na nag viral ang diumano’y video na magpapatunay na magkasama si Paolo at Yen na nagsimba sa Manaoag Church.
Makikita na magkakapit pa ang lalake at babae sa nasabing video habang naglalakad.
Noong nakaraang araw ay nag viral pa si Fermin dahil sa pahayag niya na itinatanggi na si Paolo at Yen ang nasa video.
Ngunit sa kasalukuyang episode ng Cristy Ferminute ay binawi ng kolumnista ang kanyang naunang pahayag.
Ayon sa kanya ay isang mapagkakatiwalaang source ang naging dahilan para bawiin niya ang kanyang sinabi.
“Kani-kanina lang po ay may isang source na nagsabi sa amin. Ito kasi hindi natin masagot ito. Puro tayo, parang hindi naman sila yun… Kumpirmado po. Yung lumabas na larawan ni Yen at tsaka ni Paolo na nagsimba po sa Manaog. Sila po talaga yun,” ani Fermin.
“Sila po talaga yun. Kahit yung kumakain na magkatabi sa isang restaurant. Sila po talaga yun. Hindi na po kailangan mag-away-away pa ang mga Marites,” dagdag niya pa.
“Totoong pong sila yun. Nagkayayaan lang daw si Paolo at si Yen na magsimba sa Manaoag. At siyempre pagkasimba, kakain. Pero nung maganap po yan, matagal na pong hiwalay si Paolo at tsaka si LJ. Yun naman ang malinaw dyan.”
Nilinaw naman ni Cristy na hiwalay na daw si Paolo at LJ ng makunan ang nasabing litrato kaya naman dahil dito ay hindi maaring tawaging ‘third-party’ si Yen.
“Kumbaga, hindi na po siya (Yen) naging third wheel. Hindi po siya ikatlong bahagi or third party kasi hindi po niya pinasok yung relasyon nila Paolo at LJ. Nasa labas na si Paolo, nang sila ay mag tambal sa ‘A Faraway Land.’ Nasa labas na rin po ng relasyon si Paolo, ng pumunta sila sa Manaoag, nagdasal at kumain sa labas. At wala ng pwedeng ibato pa laban kay Yen kasi labas na sila dun eh,” giit ng kolumnista
“Yung third wheel hindi totoo, pero yung sa nagsimba at kumain, sila talaga yun. Ang gagaling talaga ng mga Marites!” dagdag niya pa.
Sa ngayon ay wala pang pahayag si Paolo at Yen tungkol sa sinabi ni Fermin sa kanila.
Naging magkatambal si Paolo at Yen sa pelikulang ‘A Faraway Land’ kung saan kinunan pa ang kanilang mga eksena sa ibang bansa.