Kahit ang ilang celebrities ay hindi na napigilan na magbigay ng opinyon tungkol sa isyu na kinakaharap ngayon ni Paolo Contis at LJ Reyes.
Sa isang artikulo ay hindi naitago ng aktres, host at komedyante na si Giselle Sanchez ang kanyang pagkalungkot dahil sa nangyayaring problema ngayon sa relasyon ni Paolo at LJ.
Naniniwala naman si Giselle na may pag asa pang maayos ang relasyon ni Paolo at LJ.
“Paolo, if you are reading this, please listen to your Ate Giselle. We have worked together ever since you were a kid. I saw you grow up from “Ang TV” to Okatokat. I saw you grow to be a good boy to a good father and husband. Please don’t throw this family away who love you dearly.” ani Giselle.
Samantala ay hinangaan naman ni Giselle ang pagiging matibay ni LJ sa gitna ng kanyang kinakaharap na problema ngayon.
“I really admire LJ for her strength and for her zeal to be committed to the relationship. In relationships, there may be times that you may have a good reason to get out. They did things to hurt you, and they let you down.”
Sa ngayon ay wala pang pahayag si Paolo tungkol sa kanyang plano ngayong hiniwalayan na siya ni LJ.
Ayon sa aktor ay mas gugustuhin niya na unahin muna ang kanyang trabaho at mga proyekto bago magsalita tungkol sa isyu.
“Trabaho na lang muna tayo. If ever, kung may plano ako, o kung magsasalita man ako, malalaman niyo rin naman yun,” ani Paolo.
Source: Manila Bulletin