Home Celebrities Pahayag noon ni Yen Santos tungkol sa mga kabit, pinag usapan: “Pwedeng sa bandang huli talagang ibabasura ka”

Pahayag noon ni Yen Santos tungkol sa mga kabit, pinag usapan: “Pwedeng sa bandang huli talagang ibabasura ka”

0

Usap usapan ngayon sa social media ang mga naging pahayag noon ng aktres na si Yen Santos tungkol sa mga babae na nakikipagrelasyon sa mga lalaki na ‘taken’ na.

Sa panayam sa kanya ng ABS-CBN noong November 2018 ay ibinahagi ni Yen ang kanyang payo sa mga taong pinili na maging ‘kabit’ o ‘third-party’ sa totoong buhay.

Isa kasi si Yen sa mga main cast ng Kapamilya series na “Halik” kung saan ay nakatuon ang istorya tungkol sa mga third-party relationship.

paolo 2

Ayon sa kanya ay mas maganda na pag isipan ng mga kabit ang maaring kahinatnan ng kanilang papasukin na relasyon dahil baka sa bandang huli ay sila lamang ang mabigo.

“May kanya-kanya siguro silang dahilan kung bakit sila pumapasok sa ganyang sitwasyon pero sana bago nila isipin na pumasok sa ganyang sitwasyon, siguro isipin muna nila ‘yung consequences na pwedeng mangyari kapag pumasok sila sa maling relasyon na pwede talaga nilang pagsisihan hanggang huli.

“May mga bagay na sa una lang masaya, nakukuha mo ‘yung gusto mo, pero ang totoo niyan, ano ka ba talaga sa buhay ng taong pinasukan mo?

“Pwedeng sa bandang huli talagang ibabasura ka lang pala niya pero andyan may taong nagmamahal, may tao talagang nagmamahal para sa’yo na tanggap ka kung ano ka,” ani Yen.

yen santos paolo contis 2

Ngayon ay inaakusahan si Yen ng ilang netizen na diumano’y pagiging third party sa relasyon ni Paolo Contis at LJ Reyes.

Matatandaan na naghiwalay si LJ at Paolo dahil sa diumano’y panlalamig ng aktor.

May ilang netizen naman ang sinabi na nakita nila na magkasama si Paolo at Yen sa Baguio City.

Ilang litrato rin at video ang kumalat kung saan ay makikita si Paolo na may kasamang ibang babae at ang hinala ng mga tao ay si Yen ito.

Hindi pa nagbibigay ng opisyal na pahayag ang aktres tungkol dito.

Naging magkatambal si Yen at Paolo sa pelikulang ‘A Faraway Land’ na kinunan pa sa ibang bansa ang mga eksena.

Facebook Comments