Home Celebrities Lian Paz, masaya na sa kanyang buhay ngayon: “Whatever happened yesterday belongs to the past!”

Lian Paz, masaya na sa kanyang buhay ngayon: “Whatever happened yesterday belongs to the past!”

0

Dahil sa usap usapan ngayon sa social media ang hiwalayang Paolo Contis at LJ Reyes ay maraming netizen ang kinamusta ang kalagayan ngayon ng dating EB babe dancer na si Lian Paz.

Si Lian ang unang naging asawa ni Paolo kung saan ay ikinasal sila sa pamamagitan ng civil wedding noong 2009 kung saan ay nagbunga rin ang relasyon nila ng dalawang supling.

Naghiwalay ang dalawa noong 2012 kung saan ay sinabi ni Lian na si Paolo ang nag desisyon na tapusin na ang kanilang relasyon.

lian paolo

Nag viral naman ang lumang panayam noon kay Lian matapos ang paghihiwalay nila ni Paolo.

“Sabi niya, ‘I’m not doing this because I don’t love you anymore, I’m doing this for you.’ Sabi ko sa kanya, ‘Kung ano man pinagdadaanan mo, asawa mo ‘ko, andito ako para tulungan ka.'” kwento ni Lian.

“Ang sabi niya, ‘No, tama na. Kaya mo ‘yan.’” dagdag niya pa.

Ngayon ay masaya na si Lian sa piling ng kanyang fiancé na si John Cabahug.

Sa ilang mga litrato ay makikita na talaga namang masaya na si Lian kasama ang kanyang bagong pamilya.

Mayroon naring anak si John bago pa man sila nagkaroon ng relasyon ni Lian ngunit halata naman na tanggap nila parehas ang kanilang mga nakaraan.

in photos the lovely blended family of lian paz sinulog 2021 1615707133

Sa kanya namang Instagram story ay nagbigay ng mensahe si Lian sa gitna ng usap usapan tungkol sa kanyang dating asawa.

“Everyday is a new day, whatever happened yesterday belongs to the past. We have to be thankful for the present. God is Good! All the time!!!” ani Lian.

liankatrian

Ayon sa mga netizens ay tila ito daw ang mensahe ni Lian sa kasalukuyang nangyayari ngayon sa dati niyang asawa na inuulan ngayon ng batikos.

Hanggang ngayon ay hindi parin nagsasalita si Paolo tungkol sa mga paratang sa kanya.

Sa ngayon ay pinaghihinalaan na mayroong third-party sa relasyon ni Paolo at LJ matapos makita ang aktor na may kasamang ibang babae sa Baguio City.

Facebook Comments