Kumakalat ngayon sa social media ang litrato diumano ng aktor na si Paolo Contis kasama ang hindi pa nakikilalang babae.
Ayon sa source ay nakuha daw ang litrato sa Baguio City kung saan ay makikita ang aktor habang kumakain kasama ang isang babae.
Hindi naman daw ang dating asawa ni Paolo na si LJ Reyes ang kasama ng aktor kaya naman agad itong pinag usapan ng mga netizens na nagdududa kung ito na nga ba ang bagong karelasyon ng aktor.
“Huyyy #spotted, spill the tea seas? hahah jk” ani ng netizen na nag share ng nasabing litrato.
“Nagsusubuan habang kumakain, that’s so sweet!” dagdag pa niya.
May ilan pang nag sabi na “YS” diumano ang initial ng nasabing babae.
Ayon pa isa sa mga komento ng post na ngayo’y deleted na sa social media ay marami na daw palang nakakaalam na hiwalay na si LJ at Paolo ilang buwan bago pumutok ang balita.
“May isang FB Group nang mga aling marites with a heart na member ang mga showbiz insiders including OD na nag sspluk ng mga malalang B.I. unfortunately dahil sobrang lala at grabeng revelation ang nakukuha sa group na ito, eh nabuwag ang FB group na ito ng mga elite aling marites with a heart.”
“Even BA mentioned this sa isang interveiw niya na member din pala siya nun using a dummy account. o ang chikka nga from a hotel chronicles (hotel staff) na nag spluk e nagcchck in madalas si YS and PC, nag kukunwari pa sila na hindi magkasama pero dahil magagaling ang ating mga ka marites eh na discover nila na iisa lang ang room nila.
“And that is happening even during nag uupload si PC ng videos nila ng anak nyang si baby ganda. Ang lupet noh. So hindi na kami nagulat dito. Sabi nga ni LR sa interview, wag daw sana sasabihin ni PC while nasa pinas pa sila ng mga bata. So nasa NY na sila LR kasama mga bagets ngayon, let us wait nalang after few days or weeks, may magrereveal na ng relationship nila,” ani ng isa sa mga nag comment sa nasabing post.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag si Paolo tungkol sa mga akusasyon laban sa kanya.
Ang huling social media post ng aktor ay tungkol sa pelikula niya kasama ang aktres na si Yen Santos.
View this post on Instagram
Matatandaan na todo papuri si Paolo sa kanyang katambal na si Yen at tinawag itong “professional” sa trabaho.
Maraming netizen ang nag aabang kung ano ang magiging tugon ni Paolo sa mga paratang sa kanya ng dating asawa na sinabi na matagal na daw niyang nararamdaman ang pagiging malamig ng aktor.