Home Celebrities Liham noon ni Paolo Contis kay LJ Reyes, nag viral: “Ikaw lang ang mamahalin ko hanggang sa pag tanda ko!”

Liham noon ni Paolo Contis kay LJ Reyes, nag viral: “Ikaw lang ang mamahalin ko hanggang sa pag tanda ko!”

0

Pinaka pinaguusapan ngayon sa social media ang hiwalayan ng aktres na si LJ Reyes at dati nitong asawa na si Paolo Contis.

Sa panayam sa kanya ng tanyag na television host na si Boy Abunda ay kinumpirma ni LJ ang kanyang pakikipaghiwalay kay Paolo.

“Matagal ko nang nararamdaman na matagal na siyang nakahiwalay sa amin, pero honestly ako yung nagsabi na parang… parang nasa ibang mundo na po siya at pakiramdam ko eh hinihintay niya lang na sa akin manggaling,” ani LJ.

Sinabi din nito na parang “minanipula” siya ni Paolo habang sila’y magkarelasyon.

Kasi parang pakiramdam ko, totoo yung sinasabi niya sa akin… pero marami kasi akong nalaman na hindi totoo. Natatakot ako na [and] I’m sorry if I’m gonna use this word… ma-manipulate yung alam ko nga ngayon na facts.” sabi niya pa.

Kumalat naman sa social media ang tila nasirang pangako ni Paolo kay LJ kung saan ay nangako ito na ang aktres lamang ang mamahalin niya hanggang sa kanyang pagtanda.

Ginawa ni Paolo ang nasabing letter para kay LJ noong December 25, 2017.

Ayon sa kanya malinaw na malinaw na sa kanya na si LJ lamang ang makakasama niya hanggang sa kanyang pagtanda.

“Alam ko marami pa ang malabo at hindi malinaw sa ating hinaharap… pero isa lang ang malinaw para sa akin… Ikaw. Malinaw na ikaw lang ang gusto kong makasama habang hinaharap lahat ng kalabuan sa mundong ito.

“Ikaw lang ang nagbibigay saya sa akin sa gitna ng ilang kalungkutan ko. Kaya naman malinaw na ikaw lang ang mamahalin ko hanggang sa pag tanda ko. 

“Salamat sa lahat Mahal. Maligayang Kaarawan sayo! Lagi kong ipinagdadasal ang iyong kaligayahan, kalusugan, at tagumpay sa lahat ng bagay. Mahal na mahal kita LJ Reyes!” ani Paolo.

Umabot naman ng libo libong shares ang nasabing liham ni Paolo kahit na tatlong taon na ito matapos nai-post sa social media.

Ilan sa mga netizens ang hindi napigilang ibigay ang komento nila sa nasabing post matapos mapabalita ang paghihiwalay ng dalawa.

“Isa nanaman pong kwentong barbero.” ani netizen Shaina Salazar.

“Nice joke, anong next?” sabi naman ni Shairene Rebagoda.

May isa namang netizen ang sinabi na sana’y maging maayos pa ang relasyon ng dalawa.

“I hope you sort things out right away and work your love. I pray that you and LJ would really end up together in marriage. Not because of Summer but because your love for each other is great. So great that you both forgive one another and yourself and brave to move on together as one, committing to love each other through good times and bad times. God bless.” sabi ni Sarah Reyes.

paolo 2

Hanggang ngayon ay wala paring opisyal na pahayag si Paolo tungkol sa kanilang hiwalayan.

Facebook Comments