Home Celebrities Raffy Tulfo may mensahe kay ‘Yoyo Master’ Raf Davis: “Humanda ka, kami po ang magpapakulong sa’yo!”

Raffy Tulfo may mensahe kay ‘Yoyo Master’ Raf Davis: “Humanda ka, kami po ang magpapakulong sa’yo!”

0

Inuulan ngayon ng batikos sa social media ang kauna-unahang winner ng Talentadong Pinoy na si Raf Davis o mas kilala noon bilang ‘Yoyo Master’.

Matatandaan na nag viral sa social media ang post ng ex-girlfriend ni Davis na si Nina Querol kung saan ay inilahad nito ang masalimuot niyang karanasan habang sila’y magkarelasyon.

Ayon kay Querol ay nalaman niya na hindi lang pala siya ang naging biktima ng pang-aabuso ni Davis na isa na ngayong rapper.

“Since nalaman ko na HINDI LANG AKO ANG NAGING BIKTIMA NYA. I HAVE TO STAND UP AND BE STRONG. THIS HAS TO STOP WITH ME,” ani Querol sa kanyang post kasama ang mga litrato at video na magpapatunay ng ginagawa sa kanya ni Davis.

Dagdag pa nito na pati daw ang mga kapatid niya ay pinagbuhatan ng kamay ni Davis.

Dahil sa post ni Querol ay umabot na sa programang Raffy Tulfo in Action (RTIA) ang nasabing reklamo at nangako sila na tutulungan ang mga biktima ni Davis.

“Ang panawagan ko sa ‘yo Mr. Davis, humanda ka, kami po ang magpapakulong sa ‘yo. Now, kung may problema ka sa amin, habulin mo kami.” sabi ng mamamahayag na si Raffy Tulfo.

“Puntahan mo ako rito, no problem. Makita mo ko sa kalye, it’s up to you pero ito ang sinisiguro ko sa ‘yo Mr. Davis, makukulong ka. Ipakukulong ka namin. Pagbabayaran mo itong ginawa mo sa kababaihan,” dagdag niya pa.

Hindi pa malaman kung ano ang gagawin ng kampo ni Davis ngayong mahaharap na siya sa patong patong na reklamo.

Ikinatuwa naman ng mga netizens ang pagtulong ni Tulfo kay Querol.

Facebook Comments