Home Celebrities Father Ferdinand Santos, nagsalita na at nilinaw na hindi ‘peke’ ang kanyang mga kumalat na litrato

Father Ferdinand Santos, nagsalita na at nilinaw na hindi ‘peke’ ang kanyang mga kumalat na litrato

0

Matapos sumikat sa social media dahil sa kanyang itsura ay nagbigay na ng pahayag sa unang pagkakataon si Father Ferdinand Santos, Archdiocese ng Miami, Florida, U.S.A.

Matatandaan na kumalat sa social media ang mga litrato ni Fr. Santos at madaming netizens ang kinilig dahil sa artistahin ang itsura ng pari.

Ngunit ayon sa netizen na si Carlos Babiano ay kinausap daw siya ng kapatid ng pari at sinabi na ‘edited’ lamang daw ang litrato nito.

240956344 124084243256375 2568778577762786829 n
Larawan mula kay Fr. Ferdinand Santos

Paglilinaw naman ni Fr. Santos ay hindi naman daw peke ang mga litrato niya na kumalat sa internet.

Ayon sa kanya ay mga lumang litrato niya ang kumalat sa social media.

Ibinahagi naman niya ang kanyang kasalukuyang itsura sa mga netizen.

“The photos people have drawn from my FB page span 17 years! But no, they were not edited. I don’t have the sophistication or the time to waste to do that kind of work. So please don’t expect to see or meet my 30+ year old self.” ani Fr. Santos.

Sa isa pang post ay nagbigay din ito ng magandang mensahe sa mga netizen tungkol sa isang pagiging pari ng Simbahang Katoliko.

“A priest belongs to Christ. He does not belong to the world.” ani Santos.

Sa ngayon ay napabalitang umalis na ng Amerika si Santos upang pagsilbihan ang kanyang mga kababayan sa Pilipinas.

“He gave up the prestigious position of Rector of St. John Vianney Seminary in Florida that has both philosophy and faculty theologies to return to the Philippines to work in depressed parishes,” kwento ni Ranhilio Aquino, dean ng San Bea Graduate School of Law.

Facebook Comments