Home Celebrities Shara Chavez, sinabing ‘nambudol’ ng pera ang ex na si Jovit Baldivino sa fan, hindi rin nagsustento sa anak nila

Shara Chavez, sinabing ‘nambudol’ ng pera ang ex na si Jovit Baldivino sa fan, hindi rin nagsustento sa anak nila

0

Usap usapan ngayon sa social media ang isyu ng ex-partner ni singer na si Jovit Baldivino na diumano’y nasangkot sa investment scam.

Dahil dito ay naglabas ng pahayag si Jovit at sinabi na gusto niyang makuha ang anak niya sa dating partner na si Shara Chavez dahil sa isyu na kinakaharap nito.

“Kung ano man pong lumabas na issue o pang i-scam niya, hindi na po bago yun, hehehe. Wala po akong pakialam dyan, problema nya yan at siguro naman po alam nyo na ang tunay na pagkatao niya.” ani Jovit.

“Ang sa akin lang po e makuha ko ang anak ko sa kanya at ilayo sa masama kasi matagal na niya itinatago sa akin syempre bilang isang ama may karapatan din naman ako sa anak ko,”

shara and jovit

Ngunit sa isang Facebook post mariing itinanggi ni Shara na namilit siya ng mga tao para mag invest sa kanyang kumpanya na SCET Colleens Corporation.

Sinisi niya rin ang kanyang kasosyo na si Edith Tablante na siyang diumano’y may kasalanan kung bakit sila hinahabol ngayon ng mga tao.

“Investment po ito sana aware kayo kasi ito ay FREE WILL ng lahat. Wala po pumilit sa inyo kahit isa. Makipag usap nlng po tayo ng maayos para maayos na ang problema na ito. Stress na rin ang lahat.” ani Shara.

Matapos nito ay dito na nag bigay ng tugon si Shara sa kanyang dating ka-partner.

Ayon kay Shara ay tila nakikisakay lang si Jovit sa isyu na kinakaharap niya ngayon.

“At para sayo, Mr. Jovit Baldivino. Ang saya mo siguro. Sabi mo nga matagal tayo wala koneksyon at komunikasyon e bakit parang magsalita ka ngayon alam mo yung nangyayari? Gumatong ka pa sa problema na wala ka naman kaalam alam.” saad niya.

jovit shara chavez

“Labas kana sana pero nilagay mo issue pabalik sayo. Dinamay mo na naman ang Diyos. Chance mo ba to na baka magkaka gig ka? Di kpa rin nagbabago.” dagdag niya pa.

Dito na inihayag ni Shara na hindi man lang nagpadala ng sustento si Jovit sa kanyang anak sa loob ng limang taon.

“Paano mo ba malalaman e sa limang taon na nabubuhay ang anak ko, HINDI KA NAMAN NAGSUSTENTO. NEVER KITANG HININGAN KASI KAYA KO.” paglalahad ng negosyante.

Inakusahan din ni Shara si Jovit ng pangloloko sa kanyang fan.

Hindi rin daw nito ibibigay ang kanilang anak kay Jovit dahil wala naman daw itong silbing ama.

“Kung may scammer sa ating dalawa baka ikaw yun, baka nga budol ka pa. Tanda ko nung Birthday ni Keya, nanghingi ka sa isang Fan para may pang gastos kuno sa Birthday nya ginamit mo pa picture namin na nasa hotel kami kunyari ikaw ang gumastos e sa totoo wala naman” kwento ni Shara.

“Nananahimik ako, wala ako pakielam busy ako pero sobra ka. Konting hiya naman, manginig ng kahit konti, kabahan sa sinasabi please.” dagdag niya pa.

“Ako ang bumuhay at nagpapalaki sa anak ko at wala kang karapatan na mag ambisyon sa custody nya dahil wala ka pa ring kwentang ama!”

Wala pang tugon si Jovit tungkol dito.

Facebook Comments