Home Celebrities Litrato ng ‘gwapong’ pari na si Father Ferdinand Santos ayon sa isang netizen

Litrato ng ‘gwapong’ pari na si Father Ferdinand Santos ayon sa isang netizen

0

Marami ang nanlaki ang mga mata at kinilig matapos kumalat ang litrato ng isang Pilipinong pari ng simbahang katoliko na artistahin daw ang itsura.

Nakilala ang pari na si Father Ferdinand Santos, Archdiocese ng Miami, Florida, U.S.A at ayon sa viral post ay isa rin daw itong licensed fitness instructor.

May ilan pa ngang netizen ang nag komento na “nagkasala” sila ng makita nila si Fr. Santos.

father santos

Ngunit tila naputol ang kaligayahan ng mga tao matapos ibulgar ng isang netizen na ‘edited’ lamang daw ang litrato na kumakalat ni Fr. Santos.

Ayon kay netizen Carlos Babiano ay hindi totoo na ang mga kumakalat na litrato sa social media ang kasalukuyang itsura ng pari.

Kwento ni Babiano ay kinausap siya ng kapatid ni Fr. Santos at sinabi na may tao na nagpakalat ng litrato ng pari at pinabata ang itsura nito.

Hindi naman malaman kung bakit ito ginawa kay Fr. Santos.

Sa ngayon ay hinahanap na daw ng kampo ni Fr. Santos kung sino ang nag edit at nagpakalat ng litrato niya.

“Moral of the story: EXAMINE THOROUGHLY EVERYTHING YOU SEE ON SOCIAL MEDIA.

“The priest in this screenshot of the website of the Archdiocese of Miami is Rev. Fr. Ferdinand S. Santos, a faculty member of St. John Vianney College Seminary in Miami, Florida, U.S.A. He is an alumnus of Lourdes School of Mandaluyong, San Carlos Seminary, and the Katholieke Universiteit Leuven.

“THIS IS FR. FERDIE’S AUTHENTIC APPEARANCE. Recently there is a hype on social media about a “handsome-looking young priest” or “celebrity-looking priest” bearing the said name going viral. However, his younger brother, Jeremiah, told me that those pictures circulating over social media were edited to make Fr. Ferdie’s face look young.” pahayag ni Babiano.

240842621 229268012551433 1379577071476681980 n
Fr. Ferdinand Santos appearance sa website ng miamiarch.org

Wala ding binanggit sa website ng Miami Archdiocese na isang fitness instructor ang pari, ngunit totoo naman na mahilig mag ehersisyo ang pari.

Hati naman ang reaksyon ng mga netizens sa pagbubunyag ni Babiano.

May ilan na sinabing “gwapo” parin naman ang pari sa kanyang tunay na itsura, habang ang iba ay nadismaya.

Hindi pa nagbibigay ng opisyal na pahayag ang pari tungkol sa kanyang mga ‘edited’ na litrato.

 

Facebook Comments