Home Celebrities Vice Ganda ‘nadurog ang puso’ sa mga opisyal na hindi parin makuntento sa yaman: “Sana sa eleksyon tayo ang manalo!”

Vice Ganda ‘nadurog ang puso’ sa mga opisyal na hindi parin makuntento sa yaman: “Sana sa eleksyon tayo ang manalo!”

0

Hindi napigilan ni Vice Ganda ang magsalita tungkol sa kasalukuyang kontrobersiya na kinakaharap ngayon ng gobyerno.

Sa mga nakaraang araw ay samu’t saring isyu at akusasyon ang kinakaharap ng gobyerno dahil sa diumano’y korapsyon na nagaganap sa iba’t ibang ahensya sa gitna pa naman ng pandemya.

Dahil dito ay nagbahagi ang komedyante ng kung ano nga ba ang kanyang nararamdaman sa mga kasalukuyang isyu na kinakaharap ng bansa.

Nabanggit din ni Vice ang eleksyon sa susunod na taon at sana daw ang “sila” ang manalo.

“Ang hirap naman nu’ng hindi muna kakain ‘yung nanay at tatay mo kasi hindi talaga kasya. Nakakadurog iyon ng puso tapos may mababalitaan kang government officials na hindi pa sapat iyong yaman nila. Kumukuha pa ng yaman. Kumukuha pa ng pera na dapat sana pinaghahatian niyo na…” ani Vice sa kanyang game show na Everybody, Sing!

“Iyong ilang bilyong nawawala, hindi natin maipaliwanag kung kanino napunta. Kaya sana sa eleksyon tayo ang manalo,” dagdag niya pa.

Nakakuha ng iba’t ibang reaksyon ang sinabing ito ni Vice.

May ilan na natuwa dahil tila nagiging kritiko na ang komedyante ng gobyerno.

Mayroon namang binatikos ang komedyante at sinabi na dapat ay hindi na ito magbigay ng komento sa mga nangyayari sa bansa.

Matatandaan na nawalan ng prangkisa ang ABS-CBN sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon kaya naman may ilang mga artista ng Kapamilya network ang masama ang loob sa mga namumuno ngayon.

Isa si Vice sa mga nagpakita ng walang sawang suporta sa ABS-CBN.

Facebook Comments