Hindi naitago ng vlogger komedyante na si Ethel Booba ang kanyang sama ng loob sa internet celebrity na si Daisy “Madam Inutz” Lopez at manager nito na si Wilbert Tolentino.
Matatandaan na naging viral sa social media ang Tiktok video ni Ethel kung saan ay tila nagpapasaring ito sa ginawang pagtrato ni Inutz sa mga kasama ng komedyante.
Sa isang vlog ay naging prangka si Ethel kay Inutz at Tolentino na kapwa niya rin kasama sa vlogging industry.
Ayon kasi sa kanya ay pinagsarhan daw ng pinto nila Inutz ang mga kasama ni Ethel na sina Boobsy Wonderland at iba pang vlogger.
“Parang pumunta ako as tao, nagpakumbaba ako kasi binibida kita (Madam Inutz) eh. Kasi parang feeling ko friend ko na siya. Ako sobrang ano rin ako, bihira lang rin akong makampante ng tao na nakakahalubilo ko.” ani Ethel.
“Na-hurt ako in a way na napahiya ako sa ‘yo (Boobsy Wonderland), napahiya rin ako sa mga tao dun nung sinara ‘yung pinto. Parang gusto kong matunaw dun,” umiiyak na saad ni Ethel,” dagdag niya pa.
Iginiit naman ni Ethel na pumunta sila kay Inutz bilang isang “kaibigan” at para hindi pagkakitaan sa kanilang vlog.
“Respeto naman na dinalaw kami as kaibigan. Kung hindi mo man kami tinuring na kaibigan, okay lang,” sabi pa ng komedyante.
Sinabi pa ni Ethel na gusto niya lamang tumulong kay Inutz katulad ng iba pang vloggers na nakita ang kabutihan ng internet celebrity.
“Ang dami-daming influencer na gustong tumulong kasi alam kong napakabuting tao ni Inutz,” saad ni Ethel.
Sa isang vlog ay ipinaliwanag na ni Wilbert na naghihigpit siya sa mga gustong makipag-collab kay Inutz dahil baka masira ang branding ng kanyang alaga.
“It’s between friendship and management, hindi mo alam kung sino ang babalansehin mo, napakahirap talaga,” ani Wilbert.
“Ang mindset ko kasi kapag trabaho, trabaho, walang kaibigan kaibigan,” dagdag niya pa.