Home Celebrities Wilbert Tolentino, nagsalita matapos sumama ang loob ni Ethel Booba kay Madam Inutz: “Ang mindset ko kasi kapag trabaho, trabaho”

Wilbert Tolentino, nagsalita matapos sumama ang loob ni Ethel Booba kay Madam Inutz: “Ang mindset ko kasi kapag trabaho, trabaho”

0

Usap usapan sa social media ang Tiktok video ni Ethel Booba na pasaring daw kay Madam Inutz o Daisy Lopez.

Sa nasabing Tiktok video ay makikita ang diumano’y pag gaya ni Ethel sa insidenteng ikinasama ng loob niya kay Inutz na ngayo’y sikat na sikat na sa social media.

Makikita din sa video si Boobsy habang nagre-request na makikipag picture ngunit tinanggihan ito at pinagsarahan ng pinto.

“Eh ano kung ayaw ng management? Hindi naman ako ganung tao, di naman ako katulad ng iba.” ani Ethel.

Binanggit din ni Boobsy ang salitang “Inutz” na isang malaking clue kung sino nga ba ang pinapasirangan ng mga komedyante.

 

@therealethelboobaHindi ako si #justinbeiber #ethelbooba @iamboobita @chefjessie77 @boobsiewonderland @mayosamonte♬ original sound – Ethyl Gabison

Sa isang panayam naman ay ipinaliwanag ng manager ni Madam Inutz na si Wilbert Tolentino na may dahilan kung bakit naghihigpit siya pagdating sa mga balak magkipag ‘collab’ sa kanyang alaga.

Ayon sa kanya ay gusto niya lamang na dumaan sa tamang proseso ang mga taong gustong maka-collab si Inutz.

Naipit din daw siya sa sitwasyon ngayon dahil hindi niya mapagbigyan sila Ethel na kanyang kaibigan dahil iniisip niya rin ang kanyang alaga na si Inutz.

“It’s between friendship and management, hindi mo alam kung sino ang babalansehin mo, napakahirap talaga,” ani Wilbert.

“Ang mindset ko kasi kapag trabaho, trabaho, walang kaibigan kaibigan,” dagdag niya pa.

ethel 1

Sinabi din nito na may kasunduan sila ni Inutz kaya’t hindi sila basta basta tumatanggap ng collab.

“Bilang manager, importante ang commitment, o eto ang napag-usapan natin ha para ma-preserve mo ang sarili mo kasi ‘yung mga tao mahal ka. So kung mahal ka ng mga tao sa pag-eentertain mo, mga na-chenes mo sa pnline selling i-capture mo na ‘yung market mo. Ito na ‘yung pagkakataon mong makilala ka,” saad ni Wilbert.

“Kung sa iba-ibang channel lumalabas ka, iba iba yung content… mawawala na yung linya mo ng diyan ka na lang. Kumbaga kailangan sumusunod sila sa journey mo,” dagdag niya.

Nilinaw naman ni Wilbert na hindi niya itinuturing na kaaway sila Ethel.

“Mahal ko sila promise, sana maintindihan niyo Mareng Ethel, Mamshie Boobsie, si Chef, walang mean ‘yun,” mensahe ni Wilbert sa mga kaibigan niyang vlogger.

 

Facebook Comments