Home Celebrities Mansyon diumano ng internet celebrity couple na ‘Ja mill’ ibinebenta na sa online

Mansyon diumano ng internet celebrity couple na ‘Ja mill’ ibinebenta na sa online

0

Viral sa social media ngayon ang diumano’y mansyon ng internet celebrity couple na si Jayzam Manabat at Camille Trinidad o mas kilala bilang ‘Ja mill’

Ayon kasi sa isang post sa social media ay ibinebenta na ang bahay ng celebrity couple sa Gapan, Nueva Ecija na diumano’y katas ng kanilang vlogging.

Ibinahagi ni netizen Steven Velizario ang bahay na ibinebenta na kahawig na kahawig diumano ng mansyon ng Ja Mill na kanilang ipinakita noon sa mga fans nila.

Eto ang ilang detalye tungkol sa bahay na ibinebenta:

450 SQM Lot
✅Big Pool (4-5FT)
✅Big House (2 Floors)
✅Well maintained
✅With Purified Water source
✅High Ceiling Living room
✅Fully Furnished and Tech gadgets included
✅Big Dining area
✅Luxurious Kitchen
✅3x Big Room (can be a bedroom or studio)
✅1x Master Bedroom (with Big Closet room and own Shower Room) (With own Balcony Area) (with Bath tub)
✅3x Comfort Room (1x firstfloor and 2x 2nd floor)
✅Huge front parking area (5 Cars Kasya)
✅Big Garden
✅Dog Playground
✅Dirty Kitchen and Backyard for some other Stuffs
✅ Bodega
✅Big Room for office or working area
✅Big Balcony (For your upgrade, can be a room or else na gusto mo pa ipadagdag)
✅Friendly Neighbors
✅OUTSTANDING VIEW (Every day ganda sunset and madalas ang Rainbows)
📍Location: Greenwoods Subdivision, Brgy. Bayanihan, Gapan City, Nueva Ecija

Kahit ang mga netizens na nakakita ng post ni Velizario ay naniniwala na bahay nila Ja Mill ang nasabing mansyon.

Matatandaan na naging usap usapan ang Ja Mill kamakailan lamang dahil sa nag desisyon sila na isara na ang kanilang Youtube channel mayroong 12-M followers.

Ayon sa celebrity couple ay gusto na lamang nila ng tahimik na buhay kaya nila isinara ang kanilang channel

Ngunit may ilang netizen ang naniniwala na may kinalaman ang kanilang mga desisyon sa anunsyo ng Bureau of Internal Revenue (BIR) tungkol sa pagbabayad ng buwis ng mga vlogger.

Pinaalalahanan kasi ng BIR ang mga vlogger na magbayad ng tamang buwis.

Tila ginawa pang halimbawa ng BIR ang Ja Mill sa kanilang pahayag na kahit isara ng mga vlogger ang kanilang Youtube channel ay makikita parin nila ang kinita ng mga ito.

“Closed or open, there is always a way for us to determine how much you have earned even though you are already off the air,” ani BIR Depuity Commissioner Marissa Cabreros.

“‘Yung pumapasok sa bank account mo na mga payment. there is a way of tracing that one. There is a payor. There is YouTube, there is data, there is a paper trail.” dagdag niya pa.

Facebook Comments