Home Celebrities Jonel Nuezca, hinatulan ng habambuhay na pagkakabilanggo at pinagbabayad ng isang milyong piso

Jonel Nuezca, hinatulan ng habambuhay na pagkakabilanggo at pinagbabayad ng isang milyong piso

0

Pitong buwan matapos ang malagim na pagkasawi ng mag inang Sonia at Frank Gregorio sa kamay ng dating police officer na si Jonel Nuezca ay mabibigyan na ng katarungan ang nangyari sa kanila.

Ayon sa ilang ulat ay hinatulan na ng Regional Trial Court ng Tarlac si dating police sergeant Jonel Nuezca ng double life imprisonment.

Pinagbabayad din ito ng aabot sa P1-M piso para sa mga naiwang pamilya ni Sonia at Frank.

Ikinagalak naman ni PNP Region 3 Director Brig. Gen. Val De Leon ang nasabing desisyon ng korte laban kay Nuezca.

“Justice has been served,” ani De Leon.

Hindi pa malaman kung ilalaban pa ng kampo ni Nuezca ang naging hatol sa kanya.

Wala pang opisyal na pahayag ang pamilya Gregorio sa naging desisyon ng korte laban kay Nuezca.

Nangyari ang malagim na insidente noong December 20, 2020 matapos magtalo ang pamilya Gregorio at Nuezca dahil sa ingay ng ‘boga’ na pinapaputok ng mga biktima.

Nakuhanan ng video ang nasabing insidente na kumalat naman sa social media.

Makikita sa video ang anak ni Nuezca na nakisali din sa away na sumisigaw pa ng “my father is a policeman”.

Sumuko naman kusa ang dating pulis sa mga otoridad at nakiusap pa nga ito sa kanyang superior na sana’y tulungan ang kanyang anak.

“Sana matulungan niyo po ako,” ani ng naluluha luhang daiting pulis. “Para sa pamilya ko nalang po”

“Sir inaamin ko po ‘yung pagkakamali ko. Sobrang emosyon… Nagsisisi po ako sa ginawa ko, laking pagsisisi sir. Unang-una para sa pamilya ko sir,” dagdag niya pa.

70-M pesos ang unang hinihingi ng pamilya Gregorio kay Nuezca ngunit hindi pa malaman kung pagbibigyan ito ng korte.

 

 

Facebook Comments