Home Celebrities Freddie Roach nakikita na ang pagreretiro ni Manny Pacquiao: “He didn’t have a great performance tonight.”

Freddie Roach nakikita na ang pagreretiro ni Manny Pacquiao: “He didn’t have a great performance tonight.”

0

Naniniwala ang legendary boxing coach na si Freddie Roach na nakikita niya na ang malinaw na palatandaan para kay pambansang kamao Manny Pacquiao na mag retiro na.

Nalungkot ang ilang boxing fans matapos matalo si Pacquiao ng kanyang last-minute na kalaban na si Yordenis Ugas.

Ayon kay Roach, ang ilan sa mga nakita niyang palatandaan ay ang madalas na pag cramps ng mga binti ni Pacquiao na lubos na nakakaapekto sa kanyang footwork.

“I hate to see the day he retires, but this could be it,” ani Roach na naging coach ni Pacquiao sa loob ng 20 na taon.

“He didn’t have a great performance tonight.” dagdag niya pa.

26345

Nirerespeto parin naman ni Roach kung pipilitin parin ni Pacquiao na ituloy ang kanyang boxing career.

Matatandaan na ilang beses na noong sinubukang kumbinsihin ng mga tao si Pacquiao na mag retiro dahil sa kanyang edad ngunit nag desisyon ito na magpatuloy parin sa boxing.

Nakikita niya rin na nahirapan talaga si Pacquiao kay Ugas.

“Manny had trouble reaching Ugas. Manny was not able to solve Ugas’ height and reach advantage,” paliwanag ni Roach.

Inamin niya rin na nag-aalala na siya kung sakali man na ituloy parin ni Pacquiao na lumaban sa boxing ring kahit na may edad na ito.

“I’m a little worried about it, yes. He’s boxed for a long time, and he’s boxed with me for a long time.” sabi ni Roach,

Hindi pa naman malaman kung ano ba talaga ang magiging desisyon ni Pacquiao matapos ang kanyang laban kay Ugas.

“I don’t know. I don’t know. Let me rest first and relax and make a decision if I’ll continue to fight.” ani Pacquiao sa panayam matapos ang kanyang laban.

Sinabi din nito na sa susunod na buwan niya ilalahad ang kanyang plano para sa 2022.

Facebook Comments