Home Celebrities Page ng dating alkalde ng QC na si Herbert Bautista, nagbahagi ng rated SPG na larawan

Page ng dating alkalde ng QC na si Herbert Bautista, nagbahagi ng rated SPG na larawan

0

Usap usapan ngayon sa social media ang rated SPG na larawang ibinahagi ng Facebook page ng dating alkalde ng Quezon City na si Herbert Bautista.

Nakita ng mga netizens ang rated SPG na larawan sa Facebook story ng alkalde kung saan makikita ang isang babae na ginawang underwear ang face mask.

Kapag nag ‘swipe-up’ ang mga sumilip sa nasabing larawan ay dadalhin sila sa isang website.

May ilang netizen naman ang ginawang kakatuwanan ang nasabing litrato at inedit upang hindi na ito maging rated SPG.

herbert 2 herbert 1

Ayon sa staff ng dating alkalde ay na ‘hack’ diumano ang Facebook page ni Bautista.

“We urge all followers of the Mayor Herbert M. Bautista – Quezon City Facebook Page account to report it for investigation due to malicious and unauthorized access,” ani ng kampo ng dating alkalde.

“We deny the unsavory post that was uploaded in that socmed account. Please be guided accordingly,” dagdag pa nila.

Hanggang ngayon ay wala paring balita kung na-recover na nga ba ng kampo ni Bautista ang nasabing Facebook page.

 

Facebook Comments