Mambabatas na pinuna ni Agot Isidro at Enchong Dee, nagsalita na: ” I will leave it up to my legal team”

0

Sa unang pagkakataon ay nagsalita na Drivers United for Mass Progress and Equal Rights (DUMPER) party-list Rep. Claudine Diana “Dendee” Bautista-Lim matapos batikusin ang kanyang kasal ng ilang netizens at celebrities.

Matatandaan na noong August 14-15 ay inulan ng batikos ang kasal ni Bautista sa kanyang childhood friend na si Jose French “Tracker” Lim dahil daw ‘engrande’ ang naging kasal nila.

Ilang celebrities katulad ni Agot Isidro, Ogie Diaz at Enchong Dee ang bumatikos kay Bautista.

Dahil dito ay lubos na nalungkot at nasaktan si Bautista dahil nadamay ang kanyang kasal sa usapin tungkol sa kanyang pagiging isang public servant.

Ayon sa kanya ay bago pa man dumaan ang pandemya ay matagal na nilang pinagplanuhan kung ano ang mangyayari sa kanilang kasal.

“It pains us to see how things after our wedding turned out. This was supposed to be the culminating event of a decades-long love story,” ani Bautista sa kanyang opisyal na pahayag.

“We both found many of the comments heartbreaking. This celebration of our love was a product of my husband’s hard work,” dagdag niya pa.

Nilinaw din niya na ginusto nila na maging pribado ang kanilang kasal, ngunit naibahagi ito ng fashion designer na si Michael Cinco.

“I have dedicated most of my life to public service, but I was hoping to have this experience in private with my husband, the same way that most people who marry love of their lives do. We had no intention of making our wedding a public affair, so we kept it as intimate as possible.

“However, access was unintentionally given through the post of my wedding gown designer, Michael Cinco and he mistakenly posted about the private event.

“He has since, also apologized for bringing unwanted attention to an event that was supposed to be separate from my life as public servant.” ani Bautista.

Ngayon ay sinabi niya na pagtutuunan niya na lamang ng pansin ang pagtulong sa mga nangangailangan.

Ang legal team niya na lamang ang gagawa ng aksyon sa mga ibinabato sa kanya.

“I will no longer indulge in the statements by people of influence against me as I will leave it up to my legal team to address this.

“As a public servant, I have always been transparent with my office’s accomplishments and ongoing efforts, and we will continue to do so despite detractors aiming to change the narrative and devalue our achievements.

“Kaysa magsiraan tayo, ilaan natin ang enerhiyang meron tayo bilang isang komunidad sa pag-ahon mula sa pandemyang ito.”

Matatandaan na humingi na ng tawad ang aktor na si Enchong Dee dahil sa mga akusasyon niya na kinurakot diumano ni Bautista ang ginamit niya sa kasal niya.

Mula sa mayamang pamilya si Bautista at mayroon silang iba’t ibang negosyo, habang ang kanyang asawa naman ay isa ring matagumpay na negosyante.

 

Facebook Comments
Previous articleAgot Isidro, sinagot ang kanyang mga ‘bashers’ matapos batikusin ang kasal ng isang mambabatas: “Masarap na kakainin mo!”
Next articleOgie Diaz, hindi hihingi ng paumanhin sa ikinasal na mambabatas: “Wala naman akong kasalanan”
Rodrigo Extramadura is a Computer Engineering graduate who found his real passion in writing and following the daily happenings in the country.