Home Celebrities Madam Inutz, handang ibenta ang sarili noon para sa pamilya: “P100,000 sayo na ako!”

Madam Inutz, handang ibenta ang sarili noon para sa pamilya: “P100,000 sayo na ako!”

0

Naging viral ang panayam ng talent manager at showbiz reporter na si Ogie Diaz sa sikat na sikat na online seller ngayon at internet celebrity na si Madam Inutz o Daisy Cabantog.

Sa panayam sa kanya ay ibinahagi ni Inutz ang mga naranasan niya sa buhay at ang diskarte niya para matulungan ang kanyang pamilya.

Kwento ni Inutz ay simula ng tumigil sa pagsusustento ang kanyang dating karelasyon ay nag desisyon ito na tumayo sa sarili niyang mga paa at mag negosyo.

Ayon sa kanya ay naisip niya na magbenta ng mga gamit ng mga damit (ukay-ukay) sa social media ngunit hindi siya nakaiwas sa mata ng mga mapanghusgang tao.

Dahil sa minsan ang ‘daring’ ang mga isinosoot ni Inutz sa kanyang mga live ay hindi daw naiiwasan ng mga tao na magtanong kung damit nga ba ang binebenta niya o ang katawan niya.

9fadd03f 8f95 4a0c a0e8 a6ffd09dd4b0 696x364 1 e1629303958697

Sagot naman ni Inutz ay pareho lamang niyang ibinebenta ang sarili niya at ang mga damit niya.

“Medyo may pagka-ano (sexy) ‘yung lola mo, nagsosoot ako ng mga sexy na tops,  so may mga nag sasabi sakin ‘ano bang binebenta mo? Katawan mo o damit?’.

“Sumagot ako ng ‘both’ kasi kung para lang din sa pamilya mo pwede mo ngang ibenta yung katawan mo para may mapakain ka sa pamilya mo.

“Just be practical lang, kung may magma-mine sakin, why not? Bigyan mo ko ng isang daang libo sayo ako. Maliligo nalang ako,” sabi ni Inutz.

Matatandaan na ibinahagi na noon ni Inutz na nagta-trabaho siya para may pambili ng gamot ang kanyang ina na bedridden.

Todo pasalamat naman siya sa kasikatan na tinatamasa niya ngayon.

Umabot na ng 1.5-M ang views ang nasabing panayam na inulan ng papuri mula sa mga netizens.

Facebook Comments