Home Celebrities Kampo ni Arjo Atayde nagsalita na matapos mapabalita ang pagtakas diumano ng aktor sa Baguio kahit siya ay ‘positive’

Kampo ni Arjo Atayde nagsalita na matapos mapabalita ang pagtakas diumano ng aktor sa Baguio kahit siya ay ‘positive’

0

Sa unang pagkakataon ay nagsalita na ang kampo ng dating ‘Ang Probinsiyano’ star na si Arjo Atayde matapos ang balita na tumakas diumano siya sa kanilang bubble sa Baguio City kahit na ‘positibo’ siya sa nakakahawang sakit.

Sa pahayag ng Feelmaking Productions Inc. na siyang humahawak ng proyekto ngayon ni Arjo ay ipinaliwanag nila na mayaroong ‘pre-existing medical condition’ ang aktor at kinakailangan na dahil ito sa ospital sa Maynila.

Ayon sa kanila ay nakakaranas ng malalang sintomas si Arjo kaya naman mismong ang doktor at ang magulang ng aktor ang nagpayo na dalhin na ito sa Maynila kung saan may mas magandang pasilidad.

Nananatili naman sa Baguio ang siyam pang kasama ni Arjo sa pelikula na pawang mga ‘asymtomatic’ o hindi nakakaranas ng sintomas.

Nilinaw din nila na nakipag usap sila kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong at nangako sila na susundin nila ang health protocols ng siyudad.

“We are grateful for the opportunity to shoot in their beautiful city and apologize for whatever inconvenience that this unfortunate incident may have caused,” ani Ellen Crise, head of production ng Feelmaking.

feelmaking 1629267785

Matatandaan na inihayag ni Magalong ang pagkadismaya sa ginawa ni Arjo.

“Nag-positive yung isang grupo na nagsu-shooting dito, yung grupo nila Mr. Atayde. They committed to us na magkakaroon sila ng bubble, pero di nangyari. Nagkataon pala na may mga tao sila na umuuwi sa lugar, at pagbalik, hindi nagtri-triage.” ani Magalong.

“Tapos yung monthly testing na commitment nila, hindi nagawa,”  dagdag niya pa.

“Positive siya. Kaya lang bigla siya umalis kahapon without our knowledge, claiming na siya lang daw ang symptomatic.

“At yung mga kasama niya, asymptomatic, iniwanan na lang niya…” ani Magalong.

Dahil dito ay maghihigpit na ang LGU ng Baguio pagdating sa mga film project na gagawin sa kanilang siyudad.

 

 

Facebook Comments