Home Celebrities Dating manager ni Rudy Baldwin, pina-Tulfo ang manghuhula dahil sa pangloloko diumano nito

Dating manager ni Rudy Baldwin, pina-Tulfo ang manghuhula dahil sa pangloloko diumano nito

0

Umabot na ang isyu ng manghuhula na si Rudy Baldwin sa Raffy Tulfo in Action kung saan ay inireklamo siya ng kanyang dating manager na si Elzen Estores at ni Solen Itaya.

Reklamo ni Itaya marami daw perwisyo na naidulot sa kanya si Rudy dahil sa mga ‘vision’ nito.

Hindi naman napigilan matawa ni idol Raffy matapos i-kwento pa ng complainant ang diumano’y sablay na hula ni Rudy sa kasarihan ng kanyang apo.

Ang hula kasi ni Rudy ay babae ang magiging apo ni Itaya ngunit pagkalabas ay lalake pala ito.

rudy baldwin c130

Namili pa naman daw ng damit si Itaya para sa kanyang magiging apo na babae ngunit nasayang lamang ito.

Depensa naman ni Rudy ay ibang parte pala ng katawan ng sanggol ang kanyang nakita.

“Na shock po kami. so binalikan ko po sya, tinawagan ko sya (rudy baldwin) sabi ko “madam mali po yung vision nyo. pinakita ko pa yung pusod sabi nyo nasisilip nyo babae” ang sinagot nya po sa’kin “pasensya na kasi nakadapa p*w*t pala yung nakita ko” 

Nagbigay pa daw si Itaya ng donasyon na nagkakahalaga ng P10,000 kay Rudy kapalit ng pag ‘vision’ nito.
Kailangan daw ito ni Rudy dahil papasok daw siya sa “kabilang mundo”.

Wala rin naman daw napala si Itaya dahil hindi sinabi ni Rudy kung ano ang nakita niya sa pagpasok niya sa “kabilang mundo”

237391371 548924453198589 7082780208801857387 n

Ngunit sa sobrang pagpapaniwala niya sa ‘vision’ ni Rudy ay lubos naapektuhan ang kanyang buhay at ang mga desisyon niya.

Ibinenta daw niya ang kanyang mga sasakyan at alahas dahil may ‘vision’ na kagimbal gimbal si Rudy.

“The end of the world na raw po kasi. Napraning po ako. Paniwalang-paniwala ako. na ang mundo magugunaw na. March 2020,” sabi niya.

Ayon naman sa dating manager ni Rudy na si Elzen ay nasaksihan niya daw kung paano kumita ng malaking salapi ang online manghuhula.

Siya kasi mismo ang naghahanap noon ng mga kliyente ni Rudy.

Sabi ni Elzen ay marami daw hula sa kanya si Rudy na hindi nagkatotoo katulad na lamang ng pagkagunaw daw ng mundo na mangyayari noong 2020.

Sinabi rin daw ni Rudy sa kanya na magiging alkalde daw siya ng lugar niya sa Bulacan.

“Na-vision niya po sa akin na magiging mayor daw ako ng Bulacan.

“Amazed na amazed ako syempre… Marami po siyang sinabi regarding sa income, na ganito raw po ang gawin ko sa buhay ko, magbenta ako ng ganito, ng ganyan. Ako naman po si g*go, binenta ko naman lahat,” kwento ng complainant.

Nakakatuwa man ang mga kwento ng mga complainant ay seryoso naman ang kakaharapin ngayong isyu ni Rudy dahil maari siyang maharap sa asunto.

Umabot na ng 270,000 views ang nasabing episode.

Facebook Comments