Home Celebrities Makalipas ng ilang taon, Mahal at Mura nagsama muli sa harap ng camera

Makalipas ng ilang taon, Mahal at Mura nagsama muli sa harap ng camera

0

Makalipas ang ilang taon na paghihiwalay nila ay sa wakas nagsama muli ang kilalang tandem noon na sina  Noemi Tesorero a.k.a ‘Mahal’ at Allan Padua o mas kilala bilang ‘Mura’.

Sa vlog ni Mygz Molino ay makikita ang pag bisita ni Mahal sa lugar ni Mura.

Makikita na tuwang tuwa ang dalawa dahil sa muli nilang pagkikita matapos ang ilang taon nilang paghihiwalay.

Naging kilala ang tandem noong 00s dahil sa kanilang halos pareho na itsura at ang akala pa nga ng mga tao noon ay magkapatid sila.

mahal mura 2

Ngunit hindi nagtagal ay lumipas din ang kanilang showbiz career.

Matagal silang hindi nagkasama dahil naging magkaiba ang kanilang tinahak matapos matapos ang kanilang career sa showbiz.

Si Mahal ay nanirahan sa siyudad at nagkaroon pa ng career sa vlogging.

Habang si Mura naman ay piniling pumunta sa kanilang probinsiya sa Bicol at maging isang magsasaka.

Dahil dito ay walang naging balita ang mga tao kay Mura dahil nasa liblib itong lugar.

Sa pamamagitan naman ng isang vlogger ay napanood muli ng mga netizens si Mura at dito nakita ang paghihirap ng dating komedyante.

Hiling niya ay makabalik muli siya sa showbiz.

“Kaya nga gusto ko pa rin minsan magkaroon pa rin ako ng ano sa showbiz kahit papano makatulong pa rin,” naluluhang sinabi ni Mura sa vlogger.

Hindi man sigurado na makakabalik si Mura sa showbiz ay tiba tiba naman ang views na nakukuha niya sa vlogging.

Sa ngayon ay mayroon ng 970,000 views ang nasabing vlog.

Facebook Comments