Halos nakalimutan na ng tao ang isyu na kinaharap noon ng legendary OPM artist at miyembro ng Apo Hiking Society na si Jim Paredes noong Abril 1, 2019.
Ngunit bigla nanamang bumalik ang usaping ito ng banggitin ni Pangulong Duterte ang singer sa kalagitnaan ng pambabatikos ng punong ehekutibo sa isang alkalde na diumano’y si Mayor Isko Moreno.
“Nakita ko nga sa Facebook kanina lahat ng nakabikini ang g*g*, tapos may isa pang picture doon na sinisilip niya ‘yung ano niya.
“Yan ang gusto ninyo? Ang training parang callboy naghuhubad, nagpi-picture, naka bikini tapos ‘yung garter tinatangal niya.
“Dapat magsama sila ni Paredes. Tignan ninyo sa Facebook, andiyan ‘yung mga picture niya. Yan ang training ng Presidente,” sabi ng Pangulo.
Pero tila hindi na ito pinansin ni Paredes dahil wala itong kahit anong reaksyon na ibinahagi sa kanyang Twitter page kung saan siya aktibo.
Ngunit alam naman ni Paredes na inungkat muli ng Pangulo ang kanyang nakaraan dahil ni-retweet niya mismo ang pahayag ni Duterte laban sa kanya.
The real news here is not a cheap shot being made but the threat to withhold ayuda: punishing ManileƱos for a spat between the two mayors. https://t.co/LI2u1fUh9B
— Manuel L. Quezon III (@mlq3) August 10, 2021
Hindi naman tumigil ang singer sa pagbanat sa Pangulo.
Matatandaan na kumalat noon ang pribadong video ni Paredes habang siya ay may tila kausap sa kabilang linya.
Noong una ay itinanggi ito ni Paredes, ngunit kalaunan ay umamin din siya at humingi ng paumanhin sa publiko.
“The video was real. It was private, and not meant for public consumption. I do not know how it became public,” ani Paredes sa kanyang pag amin noon.
“I can only surmise that in this ugly season of toxic politics, muckrakers determined to neutralize my influence by violating my privacy and digging up dirt on me are at work,” dagdag niya pa.