Naging kontrobersiyal ang mga pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang Talk to the People.
Matatandaan na sa kanyang talumpati ang tinawag na ‘callboy’ ng Pangulo ang isang opisyal sa NCR.
“Nakita ko nga sa Facebook kanina lahat ng nakabikini ang g*g*, tapos may isa pang picture doon na sinisilip niya ‘yung ano niya.
“Yan ang gusto ninyo? Ang training parang callboy naghuhubad, nagpi-picture, naka bikini tapos ‘yung garter tinatangal niya.
“Dapat magsama sila ni Paredes. Tignan ninyo sa Facebook, andiyan ‘yung mga picture niya. Yan ang training ng Presidente,” sabi niya pa.
Maraming netizen at media outlet ang kagad nakahula kung sino nga ba ang pinapatamaan ng Pangulo at nalaman na ito’y ang alkalde ng Maynila na si Isko Moreno.
Hati ang reaksyon ng mga netizens sa sinabing ito ng Pangulo laban kay Yorme.
May ilan namang sikat na personalidad na hindi nagustuhan ang sinabing ito ng Pangulo kasama na dito ang mamamahayag na si Karen Davila.
Sa kanyang tweet ay hindi naman daw itinanggi ni Yorme ang kanyang naging trabaho sa showbusiness.
Ang mahalaga daw ay nakaangat si Yorme at ngayon ay matagumpay na sa kanyang pinasok na larangan.
Umaasa din ang mamamahayag na sana’y hindi magtuloy tuloy ang mga ganitong klaseng pananalita.
“Galing sa matinding hirap si Isko Moreno. Kailan man di niya ipinagkaila ang kanyang pinanggalingan. He has tried to better himself through the years & succeeded.” ani Davila.
“Sana lang wala nang ganitong pangiinsulto sa kapwa porket kalaban sa 2022.”dagdag pa nito.
Galing sa matinding hirap si Isko Moreno. Kailan man di niya ipinagkaila ang kanyang pinanggalingan. He has tried to better himself through the years & succeeded. Sana lang wala nang ganitong pangiinsulto sa kapwa porket kalaban sa 2022. https://t.co/Q9EPaVdFDZ
— Karen Davila (@iamkarendavila) August 9, 2021
Hindi nagbigay ng tugon si Yorme sa mga banat sa kanya ng Pangulo tungkol sa kanyang nakaraan.