Isang Briton na mas kilala dahil sa kanyang pagiging ‘Pinoy-at-Heart’ ang binanatan ang Palestinian-Israeli vlogger na si Nuseir Yassin o mas kilala bilang Nas Daily.
Sa kanyang Facebook post, binatikos ni Malcolm Conlan si Yassin dahil diumano sa ginagawa nitong paggamit sa kultura ng mga Pilipino para kumita ng limpak limpak na salapi.
Duda rin ito sa totoong pakay diumano ni Yassin kung bakit pinili ng vlogger na kumuha ng mga Pilipino bilang parte ng kanyang kumpanya.
Matatandaan na paulit ulit pinagmamalaki noon ni Yassin na 40% ng kanyang mga empleyado sa kumpanya niya ay mga Pilipino.
Kutob ni Conlan ay pinili lamang ni Yassin na mag employ ng mga Pilipino para mas malaki ang kanyang kitain sa mga content niya.
“To understand the intentions of Nas Daily, you have to ask one question, why employ so many Filipinos on his team? Apparently 40% of his staff are Filipino?
“1. They are excellent in social media, therefore making him even more CASH.
“2. They understand the Filipino market and what’s trending in the Philippines, why is this so important? To gain more views for Nas, thus earning him even more CASH.
“3. He was targeting the Filipino audience as he knows that will garnish many views. Clickbait really does work, just ask the biased woke media. This strategy will also earn him a lot of CASH.
“4. Apparently, according to a Filipina who was involved in another potential project which Nas was exploring on a farm, Nas was heard saying that any video with reference to ‘Philippines’ would garnish many hits, earning him, you guessed it, CASH!” banat ni Conlan.
Dahil daw sa istratehiyang ito ni Yassin ay dapat ibahin na daw nito ang pangalan ng kanyang brand.
“Nas Daily really should rebrand as CASH Daily, at least then people will know his real intentions?” sabi ng Briton.
May ilang netizens naman ang hindi pumabor kay Conlan at sinabi na hindi naman kasalanan ni Nas kung gumawa siya ng paraan para kumita.
Nagbigay din daw diumano ng trabaho si Yassin sa mga Pilipino dahil sa kanyang kumpanya na Nas Academy.
“In all business, you have to consider all sides to earn bigger, if you don’t, you will never succeed. Let us not forget that whatever Nas daily do, picture, portray and show to his videos,,, or even all media ends with MONEY,” sabi ng isang netizen.
Naharap sa kontrobersiya si Yassin dahil sa diumano’y kasunduan sa pagitan ng kanyang kumpanya at ng tanyag na Kalinga tattoo artist na si Apo Whang-Od.
May ilang kilalang personalidad ang nakisali at inilabas ang kanilang masalimuot na karanasan kasama si Yassin na lalo pang nagpalala ng isyu.