Home Celebrities Derek Ramsay tinapos na ang pakikipagkaibigan kay John Estrada: “Enough is enough”

Derek Ramsay tinapos na ang pakikipagkaibigan kay John Estrada: “Enough is enough”

0

Buo na ang desisyon ng aktor na si Derek Ramsay na putulin ang ang kanyang pakikipagkaibigan sa kasamahan niya sa showbiz na si John Estrada.

Matatandaan na nasangkot sa isyu si John at ang fiancé ni Derek na si Ellen Adarna matapos diumanong mag walkout ng aktres sa taping ng ‘John En Ellen’.

Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz ay sinabi nito na wala naman siyang sama ng loob kay John, ngunit mas mabuti na daw na hindi na sila maging magkaibigan.

“No, I don’t think so. Again, I don’t wish any ill feelings towards John, his family, naging malapit ako sa kay Priscilla. It’s just that I think for the good of everybody. I don’t want bad energy.” ani Derek.

“I’m not saying John is a bad person or bad energy ha. It just went too far. I just want to avoid any negativity, I’m entering the next chapter of my life… I wish you well bro (John), but that friendship, is definitely out the door.” dagdag niya pa.

Sinabi niya na “enough is enough” dahil nangyari na ang mga akusasyon kay Ellen.
Sa panayam noon kay John ay sinabi na hindi naman daw nag walk-out talaga si Ellen sa set ng kanilang palabas.

“Hindi totoo nag-walkout…pack up na talaga siya nun.

“Pero totoo na aalis na siya because priority niya ang anak niya at siyempre mag-aasawa na, so pamilya ang priority.

“Naintindihan naman namin. Aalis na siya sa show.” sabi ni John.

Humingi narin ng tawad ang komedyante na si Long Mejia na parte din ng nasabing programa.

Matatandaan na tinawag ni Long na ‘unprofessional’ si Ellen.

“Napakaraming tao ngayon ang nangangailangan ng trabaho dahil sa kagagawan niya.

“Yun ang nangyari. Hindi ba siya nahihiya?

“Nahihiga siya sa pera, e, yung mga kapwa niya… Kumakain siya ng bulalo. Bulalo ang ulam mo, tapos yung ibang crew, noodles ang kinakain?

“Wala siyang ginawa kundi magsolo agad.” sabi ni Long sa panayam sa kanya ng pep.ph

Facebook Comments