Home Celebrities Netizens tila hindi nagustuhan ang payo ng ina ni Neil Arce sa kanyang anak na magpaka ‘under’ kay Angel Locsin

Netizens tila hindi nagustuhan ang payo ng ina ni Neil Arce sa kanyang anak na magpaka ‘under’ kay Angel Locsin

0

May mahalagang payo ang ina ni Neil Arce matapos pakasalanan ng film producer ang aktres na si Angel Locsin nitong August 7.

Sa Youtube channel ni Neil at Angel ay dito nalaman na tuwang tuwa pala ang ina ng film producer dahil nagpakasal na ito sa edad na 38.

“Alam mo super happy talaga ako magpapakasal ka na ngayon kasi 38 years old ka na!  Alam mo ‘yun lang naman ang request ko sa ‘yo di ba, na sana magpakasal ka habang maganda pa ako kasi baka mamaya hindi na maganda ang skin ko, hindi na kao mukhang bata pa.” sabi ng ina ni Neil.

“At the age of 38, I’m so happy you’re getting married ‘coz finally, Angel will take care of you and not me anymore!” dagdag niya pa.

Payo naman nito sa kanyang anak ay lagi na lamang itong sumunod sa kahit anong gusto ni Angel para maging masaya ang kanilang relasyon.

“The best thing, maging ‘under’ ka, sundin mo lahat ng gusto ni Angel para masaya kayo.” sabi niya.

“Ikaw dapat ang mag-asikaso ng bahay. Ikaw dapat ang mag-asikaso kay Angel.  Pag nagkaanak kayo dapat ikaw ang mapupuyat hindi si Angel.

“Gusto mong maging masaya ang asawa mo? Ipag-shopping mo, happy wife, happy life!”

Hati ang reaksyon ng ilang netizen sa sinabing ito ng ina ni Neil.

Ayon sa ilan ay dapat hindi naman masyadong magpaka-under si Neil sa kanyang asawa.

“It should always be give and take for a married couple to be happy. gawing under the saya ang anak nya??? give it a year or two, hahanap na yan ng iba. taking care of the baby is a task for 2 – ang pagpupuyat ay usually sa mother esp if she’s breastfeeding. the father can alternately change diapers – always a job for 2. ipag shopping?? only because you have money to burn! my golly, while most parents are advising newlyweds to save for the future, ito namang ina na ito, okay lang gumastos para lang sumaya ang asawang babae. make him head of the family so their children will give them both respect.” sabi ni netizen Thelma Guzman.

“Tao rin po anak nyo dapat WALANG UNDER SA KANILA. Parang masyado ka namang ano kay Angel porket artista “maganda-mapera” to the point na parang di mo anak ang asawa nya.” komento naman ni netizen Oh Nana.

1tekla

Wala naman reaksyon si Angel at Neil sa komento ng mga netizens.

Facebook Comments