Matapos ang ilang taon na pagkawala sa mata ng publiko ay muling nagpakita si Allan Padua o mas kilala sa kanyang screen name na ‘Mura’.
Sa isang vlog ng local vlogger na si Virgelyn (Ang Daragang Magayon) ay ipinakita niya muli sa publiko si Mura na ngayon ay 46 anyos na at isa ng magsasaka.
Makikita sa nasabing vlog ang kasalukuyang kondisyon ngayon ng dating komedyante kung saan ay hirap na itong makalakad dahil sa nangyaring aksidente sa kanya.
Ang nasabing aksidente din ang isa sa mga dahilan kung bakit napilitan siyang lisanin ang showbusiness na siyang nagbigay sa kanya ng manganda buhay noon.
Sa ngayon ay abala si Mura sa pagtitinda ng uling at gulay kasama ang kanyang pamilya.
Ayon sa panayam sa kanya ay tatlong ektaryang lupa ang kanyang sinasaka kung saan ay nagtatanim siya ng kopra, mais, niyog at mga mani.
Nabili niya ito sa halagang 75,000 noong 2005 kung saan ay sikat na sikat pa ang tambalan nila ni Mahal.
Kahit ngayon daw ay gusto paring makabalik ni Mura sa showbiz.
“Kaya nga gusto ko pa rin minsan magkaroon pa rin ako ng ano sa showbiz kahit papano makatulong pa rin,” naluluhang sinabi ni Mura sa vlogger.
Noon daw kasi ay umaabot daw kasi ng kalahating milyon ang kinikita niya kada taon noong siya ay nasa showbiz siya.
Malayo ito sa kanyang kinikita sa kasalukuyan.
Bago naman lumisan ang nasabing vlogger ay binigyan niya ito ng P10,000 bilang tulong.
Sa ngayon ay umabot na ng 2.8-M views ang nasabing vlog.
Dahil sa nag viral ang nasabing video ni Mura ay gumawa ulit ng vlog si Virgelyn kasama ang dating komedyante.
Umabot narin ito ng mahigit 700,000 views kaya naman payo ng ilang netizen ay gumawa nalang si Mura ng sarili niyang vlog.
Sa ngayon ay ang dati niyang ka-tandem na si ‘Mahal’ ay nasa vlogging nadin at umabot na ng daan daang libo ang followers nito.