Home Celebrities Manghuhula na si Rudy Baldwin, kinasuhan ang kanyang mga ‘bashers’

Manghuhula na si Rudy Baldwin, kinasuhan ang kanyang mga ‘bashers’

0

Pormal ng nagsampa ng reklamo ang tanyag na manghuhula na si Rudy Baldwin laban sa mga taong naninira sa kanyang reputasyon.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Rudy ang kanyang pagpunta sa Philippine National Police Anti-Cybercrime group para humingi ng tulong na mahanap ang mga “fake accounts” at “pages” na diumano’y patuloy na naninira sa kanya.

Ipinakita niya ang mga dokyumento na magpapatunay na siya’y nagsampa na ng kaso laban sa mga hindi niya pinangalanang indibidwal.

Hindi naman nakalimutan ng manghuhula na magpakuha ng litrato kasama ang mga pulis na tumulong sa kanya para magsampa ng kaso.

May ilang netizens naman ang sinubukang hulaan kung sino nga ba ang kinakasuhan ng manghuhula.

Sa ilang komento ay kutob nila na ang internet celebrity at self-proclaimed scammer na si Xian Gaza ang sinampahan ng kaso ni Rudy.

Dahil nakarating na ito kay Xian ay nagbigay naman siya ng pahayag at sinabi na walang patutuhungan ang isinampang reklamo ni Rudy.

Ayon kasi sa kanya ay wala daw “jurisdiction” ang Pilipinas kay Xian dahil nasa ibang bansa na siya.

“Ganon na siya kadesperada ngayon dahil tapos tapos na siya eh. Pinish na ang kanyang career. Wala na siya sa tamang hulog. Praning na praning ang lola mo. Hindi niya kasi mna-vision ang lahat ng ito.” ani Xian.

“Wala na siyang iba ginawa ngayon sa Facebookl kundi linisin ang pangalan niya in a very squammy way. Kawawa,” dagdag niya pa.

229571629 382172463325959 7687828899685442823 n

Matatandaan na nag umpisa ang hidwaan sa pagitan ng dalawa matapos kwestiyunin ni Xian ang diumano’y mga hula ni Rudy.

Isa sa mga pinuna ni Xian ay hindi nahulaan ni Rudy na magkakaroon ng gintong medalya ang Pilipinas sa 2020 Tokyo Olympics.

Nitong nakaraang linggo din ay inakusahan ni Xian si Rudy na nanghihingi daw ng pera sa mga netizens kapalit ng serbisyo niya na panghuhula na labag ayon sa saligang batas.

Facebook Comments