Inilabas ng self-proclaimed scammer na si Xian Gaza ang diumano’y nalalaman niya laban sa manghuhula na si Rudy Baldwin.
Sumikat si Rudy sa social media dahil sa mga hula niya diumano na nagkakatotoo tungkol sa mga natural na kalamidad at pagpanaw ng mga artista.
Dahil dito ay umabot na ng mahigit 4-M followers ang manghuhula sa social media, ngunit nanganganib na masira ang kanyang imahe dahil sa diumano’y exposé ni Xian.
Sa kanyang live video, ipinaliwanag ni Xian na ang mga inilalabas lamang na hula ni Rudy ay ‘yung mga malaki ang posibilidad na mangyari.
“It takes one to know one. Dati akong scammer. Dati akong convicted scammer so alam ko ‘yung mga kauri ko.” ani Gaza.
Ibinulgar niya kung paano kumikita si Rudy gamit ang kanyang social media page na may milyon milyong followers.
“Ime-message siya ng followers niya… Magpapahula. Virtual hula. Huhulaan niya. ‘May vision ako sa’yo pero deposit muna sa bank account at G-cash ko.’ Lahat ng ibi-vision niya doon sa taong nagbayad ay panay trahedya, at ang very vulnerable mind ay nama-manipulate niya.” ani Xian.
“Nakukuha niyo na ngayon, ‘yung modus operandi niya? ‘Na ‘yung mga baliw na baliw sa kanya, pagbabayarin niya para hulaan ng kapalaran at sasabihin niya puros negative. At para hindi mangyari ‘yon, ‘dadasalan kita ngayon kung maghulog ka ulit ng pera sa aking banko o G Cash.” dagdag niya pa.
May mga lumapit daw sa kanya at nagsumbong dahil sa naloko daw sila ni Rudy kapalit ng salapi.
Ayon sa mga biktima ay nagtiwala sila kay Rudy dahil sa madami ang naniniwala sa kanya sa social media.
Ngunit nagkaroon na daw sila ng pagtataka nung bentahan sila ni Rudy ng ‘amulet’ na nagkakahalaga ng 20,000 hanggang 50,000 pesos.
“She’s earning P1 to P2M pesos per month because of this – pabayad sa hula, pabayad sa amulet, pabayad sa mga orasyon at dasal pangontra sa mga kamalasan na kanyang na-vision kuno. Paano ko nalaman? May lumapit sa akin na dalawang tao… Hindi ko nakayanan kaya sabi ko, i-expose ko na ‘to, hindi ito pwede,” sabi pa ng self-proclaimed scammer.
Isang abogado nadin ang nagsabi na maaring makasuhan ang mga manghuhula na nanghihingi ng pera kapalit ng kanilang serbisyo.
Hindi naman nagpatinag si Rudy at sinabi na hindi siya natatakot sa mga inilabas na impormasyon ni Xian.
Ayon sa kanya ay handa siyang harapin kung ano man ang isampa sa kanyang reklamo.
Ilang araw na ang nakakaraan ay nagharap nadin ang dalawa sa social media.