Home Celebrities DJ Loonyo itinaggi na tinawag niyang ‘toxic na Pilipino’ ang Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz

DJ Loonyo itinaggi na tinawag niyang ‘toxic na Pilipino’ ang Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz

0

Mariing itinanggi ng internet celebrity at influencer na si Rhemuel Lunio mas kilala bilang DJ Loonyo na tinawag niyang ‘toxic’ ang Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz.

Kumalat kasi sa social media ang diumano’y pahayag ni ni Loonyo kung saan ay binati nito si Hidilyn ngunit may kasama itong pambabatikos.

“CONGRATS HIDILYN PERO ISA KANG EXAMPLE NG TOXIC FILIPINO. PEOPLE NOWADAYS NGA NAMAN, MAS PIPILIIN ANG EASY MONEY KAYSA MAGTRABAHO NANG MARANGAL. YUNG IBA DYAN KAYOD-KALABAW TAPOS IKAW UMAASA LANG SA BIGAY?” nakasaad sa kumakalat na pahayag daw ni Loonyo.

Nanggaling ang nasabing balita sa satire page na ‘Bakkler’ kung na noon pa lamang ay gumagawa ng mga hindi totoong pahayag mula sa mga sikat na personalidad sa internet.

bakklerHindi naman pinalampas ni Loonyo ang ginawang ito ng Bakkler na noon pa lamang pala ay ginagawan na ng pekeng pahayag ang influencer.

“Di na talaga natapos yung page na to kakagawa ng FAKE NEWS (FACT CHECK AND MAGBASA) HAY NAKO, PINOY HIHILA SA KAPWA PINOY!” ani Loonyo.

“Kapwa, Kababayan kong pilipino naman, kung makareact, makatawag ng “B***” “B***”, kala mo talaga kung sino. Guys, kapwa ko pilipino, taasan naman natin konti yung frequency natin pagdating sa ganto, Make sure, Credible yung shinishare at pinapaniwalaan niyo..” dagdag niya pa.

Ayon sa kanya ay sobra ang paghanga niya kay Hidilyn kaya’t imposible na batikusin niya ang isa sa mga best weightlifter ngayon sa buong mundo.

Ibinahagi din ni Loonyo na ilang beses din daw niyang ipiniresenta ang bansa sa world stage kahit na wala siyang suporta na natatanggap sa gobyerno.

“PROUD NA PROUD AKO SA KABABAYAN NATIN Hidilyn Diaz AT ALAM KO ANG HIRAP AT PAGDURUSA MAIREPRESENT LNG ANG BANSA. IDOLO AT INSPIRISYON SYA NG MGA KABATAAN AT ATLETA. SINABIHAN NIYO KONG MAGRESEARCH MUNA DIBA? KAYO BA?” saad niya.

“ANYWAYS, ILANG TAON NA DIN AKONG NAGREPRESENT NG BANSA SA LARANGAN NG SAYAW, NAKAPAGDALA NG GINTO(DANCESTAR WORLD CHAMPIONS, CROATIA) WITHOUT ANY SUPPORT FROM THE GOVERNMENT, SARILING SIKAP AT SAKRIPISYO, PURONG PANANAMPALATAYA SA TAAS.” dagdag niya pa.

Umabot na ng 10,000 shares ang nasabing post ni Loonyo.

Hindi rin naman pinansin ni Hidilyn ang nasabing balita dahil abala ito sa pagdiriwang ng kanyang naibigay na karangalan sa bansa.

 

Facebook Comments