Home Celebrities Hipon Girl, pumalag sa mga taong binatikos ang panayam sa kanya at tawagin na ‘feeling sikat’

Hipon Girl, pumalag sa mga taong binatikos ang panayam sa kanya at tawagin na ‘feeling sikat’

0

Hindi nakatiis si Herlene Budol o mas kilala bilang ‘Hipon Girl’ sa mga pambabatikos na natanggap niya mula sa mga netizens na sinisisi siya dahil sa maaga niyang pagkawala ng trabaho sa showbusiness.

Matatandaan na noong mag viral ang panayam ng aktres na si Toni Gonzaga kay Hipon ay may ilang netizens ang pinaulanan ng batikos ang dating television host ng Wowowin dahil sa siya naman daw talaga ang may kasalanan kung bakit siya nawalan ng career.

“Feeling mayaman kasi dalawang negosyo na pinatayo mo di lumago kala mo kung sino sikat na,” ani ng netizen na bumatikos kay Hipon.

Sagot naman ni Hipon, sinubukan niya lang naman humanap ng ibang pagkakakitaan at hindi naman siya nag rereklamo sa mga nangyari sa kanya.

“Kaya po ako ang kwento kase po tinanong po ako kaya po ako ujmiyak kasi nakakaiyak po kaya naman po ako nag negosyo kase nag try po ako pero lugi. At araw araw po ako nag papa salamat sa kung anong meron po ako sana po pinanood niyo po ng buo at di po ako nagrereklamo kasi alam kong hindi lang po ako ang naapektuhan,” sabi ni Hipon sa nasabing netizen.

herlene 1

Samantala ay hindi na pinansin na niya pinansin pa ang iba pang negatibong komento sa kanya at nagpasalamat na lamang si Herlene kay Toni dahil ibibigay ng aktres ang lahat ng kita ng nasabing episode sa dating host.

“Paki panood po yung vlog ni ate Tonigonzaga kasama po ako dahil yung kikitain po nung video na yon pampagawa po namin ng bubong ng bahay,” pagbabahagi ni Hipon.

Sa nasabing panayam ay ibinahagi ni Hipon ang kanyang panghihinayang sa naudlot niyang showbiz career.

“Totoo yung sinasabi, hindi habambuhay yung sa TV ka. Dalawang taon pa lang ako, tingnan mo, wala na kaagad.” sabi niya.

Facebook Comments