Home Celebrities Ebidensiya na nakasama ni Dani Barreto sa kanyang kaarawan ang ama niyang si Kier Legaspi, kumalat

Ebidensiya na nakasama ni Dani Barreto sa kanyang kaarawan ang ama niyang si Kier Legaspi, kumalat

0

Kumakalat ngayon sa social media ang isang litrato kung saan ay makikita ang aktor na si Kier Legaspi kasama ang kanyang anak na si Dani Barretto sa birthday party nito.

Naging usap usapan ang nasabing litrato dahil sinabi noon ni Dani sa panayam sa kanya ng tanyag na dermatologist na si Vicky Belo na hindi niya nakasama ang kanyang ama na si Kier kahit sa anong kaarawan niya.

“I don’t think I ever celebrated a birthday with my dad. Growing up, that was actually a major frustration for me. Kasi siyempre, when you have friends, you see them at birthday parties, tapos may cake blowing, tapos complete family kapag may birthday. I didn’t have that growing up,” ani Dani sa panayam sa kanya.

Ngunit may ilang litrato na kumalat sa social media kung saan ay makikita si Dani na kasama ng kanyang ama sa kaarawan nito.

dani1

Tinanong naman si Dani tungkol sa mga nasabing litrato at ang sagot lamang niya ay hindi niya matandaan ito.

“I apologize if I don’t remember him being at my 2nd birthday party. I honestly don’t even remember having a 2nd or 3rd party. For that, I apologize.” paliwanag niya.

dani2

Kahit si Kier ay sinabi na posibleng hindi na talaga matatandaan ni Dani ang pagsasama nila sa ikalawang kaarawan nito.

“She was only 2 years old!” ani Kier.

Bukas naman daw si Kier na makipag usap sa kanyang anak na pitong taon na daw niyang hindi nakakasama.

“My phone is always open, and he is welcome to come to our house,” sabi ng aktor.

Sinabi na noon ni Dani na gusto niyang makausap si Kier upang magkilala ito ng kanyang anak.

“I want my daughter to know him. I don’t want my daughter to grow up na what if she asks me about my dad, wala ako masagot because I don’t know what’s happening in his life,” saad niya.

Si Dani ay anak ni Kier kay Marjorie Barretto.

Facebook Comments