Sa unang pagkakataon ay ipinakita ng PBA star na si Scottie Thompson ang kanyang asawa na si Jinky Serrano sa publiko.
Ilang linggo matapos kumalat ang balita tungkol sa kanilang kasal ay ibinahagi ni Scottie ang isang video kung saan makikita ang sweet moments nila ng influencer.
Kuha ang nasabing video sa tila date nilang dalawa at makikita si Jinky habang humihiwa ng kanyang steak.
Tinawag din ni Scottie na “love” si Jinky upang kunin ang atensyon nito at tumingin sa camera.
Kahit na hindi parin maganda ang komento ng mga tao sa kanila ay kita namang proud na proud si Scottie sa kanyang asawa.
Matatandaan na naging kontrobersiyal si Scottie dahil sa biglaan nitong pagpapakasal kay Jinky, ilang buwan lang matapos siyang ma-engage sa dati nitong long-time girlfriend na si Pau Fajardo.
Sinabi naman ni Scottie na siya ang dapat sisihin sa mga nangyari sa kanila ni Pau.
“Buhay niyo ba to? Okay sige. Dahil ito gusto niyo para matapos na. Sa mga nagtatanong at sa mga gumagawa pa mga dummy account thank you sa effort niyo alam ko ito lang gusto niyo marinig at gusto niyo trending kayo. AKO REASON NG HIWALAYAN NAMIN AKO ANG MAY MALI NG LAHAT.” ani Scottie.
Kahit saang anggulo tabingi. Takip pa tyan, parang manananggal tuloy. Di kinaya basher nia sa ig. pic.twitter.com/HFyJV4nDFz
— Teresa Visto (@VistoTeresa) July 19, 2021
“Mas masarap sundin yung puso natin kung saan masaya. Alam ko ito gusto niyong marinig. Lalaki kong tatanggapin ang lahat ng ibabato niyo sakin. Sa mga guamgawa ng dummy account ilabas niyo na gusto niyong ilabas. Andito buhay niyo sa social media eh kasi wala kayong buhay sa labas,” dagdag niya pa.
Sa ngayon ay napabalita na papasok na sa showbusiness ang ex ni Scottie.