Ikinagulat ng mga netizen ang biglaang pagbabati ng vlogger na si Toni Fowler at dati nitong kasintahan na si Rob Moya.
Sa kanilang vlog, makikita na tila maayos na muli si Toni at Rob na naging usap usapan sa social media ng ilang buwan dahil sa pagkakaroon nila ng alitan.
Umabot pa nga sa programang Raffy Tulfo in Action (RTIA) ang alitan ng dalawa na muntikan ng umabot sa demandahan.
Matatandaan na ilan sa mga problema nila ay ang sasakyan na binabawi noon ni Toni kay Rob.
Kumalat din sa social media noon ang usapan ni Rob at ang kanyang diumano’y nakarelasyon na si Lai Austria.
Ngayon ay tila makikita na ‘sweet’ na muli ang dalawa at kumpirmado narin sa kanilang palitan ng mensahe sa social media ang kanilang pag aayos.
“Hindi puwede habang buhay magkaaway. Until now. I’m still amaze sayo, Asawa.” ani Rob.
“Isantabi ang galit. Ayusin natin ang dapat ayusin. Magpatawad tayo at matuto. Salamat ng sobra daddy Rob,” sagot naman ni Toni.
Sa kanila namang vlog tungkol sa muli nilang pagkikita ay humingi din ng tawad si Toni at Rob sa mamamahayag na si Raffy Tulfo na pumagitna sa kanila noon.
Ayon sa kanya ay binibigyan niya lamang ng chance si Rob na makabawi sa kanilang anak na si Tyronia.
Matawa tawa pa si Rob habang humihingi sila ng tawad kay Tulfo dahil sa hindi na nila itinuloy ang reklamo sa isa’t isa.
“Hindi po ‘yun para samin, para po ‘yun kay Tyronia talaga, ‘yun talaga ang focus namin,” ani Toni.
“Gusto ko rin humingi ng tawad lalo na sa Tulfo dahil sa pang-istorbo ko sa inyo na ipakulong ito at kung ano ano then magkakabati rin naman kami,” dagdag niya pa.
Inulan naman ng batikos ang dalawa dahil sa kanilang naging desisyon.
Karamihan sa mga bumatikos kay Toni ay ang mga fans ng vlogger na si Tito Vince Flores.
Ayon sa kanila ay ginawa lamang “panakip butas” si Vince at “pinaasa” lamang din daw ito ni Toni.