Home Celebrities Robin Padilla, kailangan dalhin sa ospital matapos mahilo habang sinusubukan maging delivery rider

Robin Padilla, kailangan dalhin sa ospital matapos mahilo habang sinusubukan maging delivery rider

0

Tila hindi nakayanan ng tinaguriang ‘badboy’ ng Philippine cinema na si Robin Padilla ang trabaho ng isang delivery rider.

Sa isang Instagram post, ipinahayag ni Robin ang kanyang paghanga sa mga delivery riders lalo na nung aktwal niyang naranasan ang mga ginagawa nila.

Ayon sa kanya ay hindi niya kinaya ang challenge sa kanya na maging delivery rider at isinugod siya sa ospital dahil sa pagkahilo.

Tumaas ang blood pressure ng aktor at nakatulog paraw ito sa emergency room dahil sa nangyari sa kanya.

Ipinagpatuloy rin naman daw niya ang pagiging delivery man pagkalabas niya ng ospital.

“Isang malalim na pagpupugay sa mga delivery riders.
Sa sobrang babad sa init kanina nahilo ako kaya kagyat ako nagpunta sa new era general hospital at nagpa check up. Normal naman ang lahat ng vital signs ko hindi lang ang BP ng 140/100 ako.” ani Robin.

“Napakahirap ng trabaho ng mga delivery riders.
Babad sa init at usok tapos biglang uulan. Makaraan ang kulang isang oras pagkatapos ko makatulog sa emergency room ok na ako uli. Resume ng agad ng delivery,” dagdag niya.

Si Robin ay endorser ng isang express courier service kaya naman ay sinubukan din ng aktor ang trabaho na ngayo’y nauuso dahil sa hindi na masyadong lumalabas ang mga tao ngayon.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by robin padilla (@robinhoodpadilla)

Umabot ng libo libong reaksyon ang nasabing post ni Robin.
“Ur always trying to find a way lodi to understand people not only by watching them but by doing what they do po. Thanks kuya Carding. Always been your avid follower here. More healthy years to you,” ani netizen @indomitablehelenpadilla.

“Ingat Lang lagi Bro IDOL Saludo ako sa yo,” sabi naman ng aktor na si @ronnie.ricketts.

Facebook Comments