Usap usapan ngayon sa social media ang diumano’y pagdukot sa isang sanggol na itinampok sa magazine show na Kapuso Mo, Jessica Soho.
Nakapanayam ng nasabing programa si Jennifer Tinapay, ina ng baby na si Carl Michael at ayon sa kanya ay kinuha ng ibang tao ang kanyang anak na dalawang linggong gulang pa lamang.
Lubos ang epekto sa kanya ng pagkawala ng kanyang anak at halos masiraan na siya ng katinuan dahil sa nangyari.
Sa tulong naman ng KMJS ay nahanap ang anak ni Jennifer sa nasabing babae na nagngangalang ‘Elijah’ na kakakilala palang daw nila noon.
Hindi pa daw nila ito mamukhaan dahil lagi daw naka face mask ang kumuha kay Carl Michael.
Ayon kay Jennifer ay pumayag siyang ipahiram si Carl Michael kay Elijah dahil malaki naman daw ang tiwala niya dito.
Inabutan pa daw siya nito ng 2,000 bilang tulong sa kanila.
Matapos non ay hindi na muling nakita si Elijah at ang kanyang anak.
Sa pamamagitan ng numerong iniwan ni Elijah ay natunton ng KMJS at ng mga otoridad ang posibleng kinaroroonan ng suspek.
Nadiskubre nila na ang totoong pangalan ni Elijah ay Emilie na nakatira pala sa Bulacan.
Agad naman nilang pinuntahan ang suspek at dito na nila nakita si Carl Micaeh na ayaw pang ibigay ni Emilie sa kanila.
Kahit na halos ikabaliw na ni Jennifer ang nangyari ay hindi niya kinasuhan si Emilie.
“Inatras ko na po ‘yung reklamo ko,” sabi ni Jennifer.
Hindi naman nagustuhan ng ilang netizens ang naging desisyon ni Jennifer na iatras ang kaso.
“Nakakainis lang hnd. Itinuloy nung babae Yung kaso Kung ako yan. Kakasuhan ko yan paano nlang. Kung hnd talaga naibalik Yung baby habang buhay mo sisisihin Yung sarili mo dahil ipinahiram mo Yung Baby sa ibang Tao. Eh paano Kung gawin. Nya sa iba Yung ginawa sayo dapat binigyan nyo Ng leksyon. hnd AWA Sana pinairal nyo Utak !! Yung mga ganun Tao pinaparusahan.” ani netizen Mheriel Ladano.
“DAPAT HINDI INURONG ANG KASO. PAANO KUNG ULITIN NIYA ULIT SA IBA, KAWAWA NAMAN YUNG MANANAKAWAN NG ANAK! sorry pero nagkasala siya dapat niya yun panagutan, bakit po kayo naawa, hindi naman siya naawang kidnappin anak niyo. Swerte niyo at nahanap pa anak niyo, marami diyan never na nakita mga anak nila na nakidnapped. Sana lang po hindi na siya mangidnap ng ibang baby kasi kawawa pareho yung baby at parents.” komento naman ni Catriona Nicole Gray.
May ilan din naman na naiintindihan ang naging desisyon ni Jennifer.
“Inurong ni ate un kaso dahil naawa sya sa babae dahil alam nyang nakunan un babae at inisip siguro ni ate na nangulila ito sa dapat magiging anak nya pero maling mali pa din un ginawa nya pagkuha sa bata pasalamat sya inurong un kaso. Sana maging aral sayo yan,” sabi ni netizen Jocelyn Fresnido.
Maaring panoorin ang nasabing episode sa kanilang official Facebook page.