Home Celebrities Tiktok celebrity Hazel Edep, ipinahuli ang lalaki na nagsauli ng kanyang cellphone

Tiktok celebrity Hazel Edep, ipinahuli ang lalaki na nagsauli ng kanyang cellphone

0

Inuulan ng batikos ngayon sa social media ang Tiktok celebrity na si Hazel Edep matapos nitong ipahuli ang lalaki na nagsauli ng kanyang cellphone.

Sa post ng nobyo ni Hazel na si Jhon Cuizon ay ikinuwento nila na nawala ang cellphone ng Tiktoker noong July 14 habang nag gagala sila sa Divisoria.

Sinubukan nilang tawagan ang number ni Hazel ngunit hindi ito sumasagot ngunit makalipas lamang ng ilang oras ay may nagpadala sa kanilang mensahe at sinabi na sila daw ang nakapulot ng cellphone ng TikToker.

Inalok diumano ni Hazel ang nakapulot ng pabuya ng 7,000 pesos ngunit hindi ito pumayag at sinabi na P50,000 ang kailangan nilang bayaran para maibalik ito.

Pinagbantaan din daw ng lalaki si Hazel at sinabi na pupuntahan siya sa kanilang bahay.

‚ÄúSinabi namin na willing kami magbigay ng 7k. Tumawa lamang siya at sinabing kulang ito. Dahil daw mamahalin ang iPhone, 50k ang hinihiling nila. Bukod dito pinagsalitaan pa si Hazel na, pupuntahan sa bahay, pipiliting kunin ang pera,” ani Jhon sa kanyang facebook post.

Dito na humingi ng tulong si Hazel sa mga otoridad kung saan ay nahuli ang nakapulot ng cellphone na nagngangalang Angelito Amor.

Ayon naman sa mga kamag-anak ng suspek ay hindi totoo ang istorya nila Hazel at sinabi na hinding hindi magagawa ni Angelito na gumawa ng masama sa kapwa.

Kwento ng netizen na si Jacquelin Banto Mateo na kakilala ng suspek ay kilalang kilala daw nila ito.

Sa taxi daw napulot ni Angelito ang cellphone at hindi daw totoo na pinagbantaan ng suspek ang TikToker.

“Maawa kau sa tao maling tao pinakukulong nio lahat kme dto kilala nmen taong yan sna makamit mo pre hustisya mausig kau mga wla kau puso sa mga gumawa sa iyo ng ganyan mkunsensya kau alam nio sa sarili nio kapabayaan nio nwala nio cp na yn di yan ninakaw sa inyo napulot yan sa taxi at nong nakita sabi nio mg bbgay kau ng reward kau ng sbi non ng nkpg kita ska nio papahuli yong tao mali kau maling mali ginawa nio may diyos tau di natutulog at nakikita nia ang totoo ngyari,” ani Jacquelin.

jacquelin

Isa pang kumpare ng suspek ang sinabi na kakagaling palang sa ospital ni Angelito matapos itong magkaroon ng mild stroke.

“Grabe kayo hindi mag nanakaw ang kaibigan namen hndi kayo naaawa kalalabas lang ng kumpare ko sa ospital na mild stroke tapos napulot yung cell phone mo sasabihin nyo ninakaw sa inyo,” sabi ni netizen Rhomyfredo Sarcauga.

rhomyfredo

Hindi pa malaman kung magsasampa ng kontra asuno ang kampo ng suspek laban sa TikTok celebrity.

Sa ngayon ang nakaprivate na ang Tiktok ni Hazel matapos itong ulanin ng batikos doon.

Facebook Comments