Home Celebrities Singer na si Kyla, nalaglagan sa ikatlong pagkakataon: “My heart is broken”

Singer na si Kyla, nalaglagan sa ikatlong pagkakataon: “My heart is broken”

0

Ikinalungkot ng mga netizens ang anunsyo ng singer na si Kyla.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Kyla na sa ikatlong pagkakataon ay nalaglag ang kanyang ipinagbubuntis.

Ibinahagi din nito ang litrato niya habang siya ay buntis noon kasama ang anak na si Toby.

Mayroon narin sanang pangalan ang kanyang ipinagbuntis.

“My heart is broken in levels deeper than you may ever have imagined. Our little angel, please watch over me, your Daddy, and Kuya Toby. Send our hugs and kisses to your 2 siblings in heaven. We love you, our Millie,” ani Kyla.

Nagpakita naman ng suporta ang kanyang mga kaibigan at mga netizens.

Ilan sa mga mensahe ng kanyang mga kaibigan ay ang pagiging matatag nito sa nangyari.

“I’m so sorry to hear praying for strength and good health for you kyla,” sabi ni Mj Lastimosa.

“Ky….. I wish I can give you a hug. Knowing I am praying for you. Keep swimming..” komento ni Anna Fegi.

“Kyla… sis, I’m so sorry  sending you hugs and prayers…..” mensahe naman ni Sitti sa kanyang kasamahan.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KYLA (@kylaalvarez)


Si Millie na sana ang ikaapat na anak ni Kyla sa dating PBA player na si Rich Alvarez na kanyang kasama sa loob ng 16 na taon.

 

Facebook Comments