Home Celebrities Claudine Barreto, tanggap na mayroon ng nobyo ang kanyang anak na si Sabina

Claudine Barreto, tanggap na mayroon ng nobyo ang kanyang anak na si Sabina

0

Tila tanggap na ng aktres na si Claudine Barreto na marunong ng umibig ang kanyang adopted daughter na si Sabina.

Sa ilang litrato na ibinahagi ni Claudine sa social media ay makikita si Sabina habang nagdiriwang ng kanyang ika-17 na kaarawan.

Makikita din ang isang lalaki na inaakbayan si Sabina kaya naman maraming netizen ang napatanong kung sino siya.

Ang sagot naman ni Claudine ay ito daw ang nobyo ni Sabina na si Raffy.

“That’s Not SANTINO. Thats Raffy Sabs boyfriend. Saint doesn’t want his Pictures taken.” paglilinaw ni Claudine.

sab raffy

Ngunit may ilang netizen naman ang nagsabi na masyado pa daw bata si Sabina na magkaroon ng nobyo.

“Sab is only 17 masyado pa sila bata para maka Boyfriend at girlfriend. Paki ingtan nlng c sab mukha nmn good gril c sab.”

Sinigurado naman ni Claudine na hindi gagawa ng kahit anong kamalian si Sab dahil naniniwala ito na mabuting bata ang kanyang anak.

claud 3

Makikita naman na proud na proud si Raffy bilang nobyo ni Sab.

Sa Instagram profile ni Raffy ay makikita pa ang caption na “Im the boyfriend of @sab_barreto”.

Hindi naman nagbigay ng komento si Raymart tungkol sa lovelife ng kanyang anak ngunit isa ito sa mga nakibati sa kaarawan nito.

“I am so grateful that I have a daughter as honest, beautiful, and intelligent as you. Happy birthday to my baby girl!I wish you only the best of luck in all you choose to do in life. I love you Sab,” ani Raymart.

“Thanks dad” sagot naman ni Sab.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by raymartsantiago (@raymartsantiago)

Matatandaan na nagkaroon ng tampuhan si Sab at Raymart noong 2018.

Facebook Comments