Home Celebrities Janella Salvador, itutuloy ang kaso laban sa mga lumalait sa kanyang anak: “I’m gonna stand up for Jude!”

Janella Salvador, itutuloy ang kaso laban sa mga lumalait sa kanyang anak: “I’m gonna stand up for Jude!”

0

Pursigido ang aktres na si Janella Salvador na magsampa ng kaso laban sa mga netizens na nagkokomento ng masama sa kanyang anak na si baby Jude.

Sa panayam sa kanya ng celebrity dermatologist na si Vicky Belo, ikinuwento ni Janella na hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin noong mabasa niya ang mga komento noon ng netizens sa kanyang anak.

Umabot pa nga daw sa punto na may isang netizen na nagsabi na sana daw ay magkasakit ang kanyang baby.

jannela jude

Ayon sa kanya ay nag desisyon siya na kasuhan ang mga nasabing netizens dahil gagawin niya ang lahat para ipagtanggol si baby Jude noong nakaraang taon lang pinanganak.

 I’m gonna stand up for Jude. I’m gonna do anything for my son. So, I stood up for him,” ani Janella.

“They think kasi wala lang pero as a mom, even if I’m in this industry, like I’m used to bashing directed towards me, when it’s towards Jude, it’s not okay,” dagdag niya pa.

Ayon sa kanya ay pinag aaralan nilang mabuti ang mga isasampa nilang kaso sa mga nasabing netizen.

“We were gonna push through the complaint. Well, I’m still planning to. But, I’m just praying about it for now because we have so many things to make asikaso. We’ll see,” sabi niya pa.

Matatandaan na sa hindi malamang kadahilanan ay nakatanggap ng masasamang komento ang anak ni Janella matapos niya itong ipakita sa publiko.

Kahit ang ama ni Jude na si Markus Paterson ay nangagalaiti sa mga pinagsasabi ng netizens.

Facebook Comments