Home Celebrities Dating MTRCB chairman sa pelikula ngayon ni Sharon Cuneta: “Hindi tama. I’m disappointed.”

Dating MTRCB chairman sa pelikula ngayon ni Sharon Cuneta: “Hindi tama. I’m disappointed.”

0

Hindi nagustuhan ng dating Movie Television Review and Classifcation Board chairman na si Manuel “Manoling” Morato ang pelikulang “revirginized” ni Sharon Cuneta.

Sa isang panayam, sinabi na hindi siya natutuwa sa pinasok na pelikula ng megastar dahil sa “suggestive” diumano ang tema nito.

Ayon sa kanya ay noong kapanahunan niya bilang MTRCH chairman ay hindi niya hinahayaan ang mga pelikula na tila rated SPG ang title.

Madami din daw pelikula ang napilitan magpalit ng title dahil sa mahigpit na mga panuntunan ni Morato.

“Totoo ka, I don’t like the thought. Even the titles should not be allowed, yung suggestive titles na against the law,” ani Morato.

“Kapareha niyan, si Sharon Cuneta, may pelikula—Revirginized. That’s not allowed.” dagdag niya pa.

Ayon sa kanya ay sobrang nadismaya siya sa pagpayag ni Sharon na maging parte ng nasabing pelikula ni Direktor Darryl Yap.

“Hindi tama yung kay Sharon, I’m disappointed. I know the mother [of Sharon] very well. I knew her,” saad ni Morato.

“Pero Revirginized is something that I cannot allow. Under the law, you cannot have a double meaning or salacious title.” dagdag niya pa.

Matatandaan na naging kontrobersiyal ang desisyon ni Sharon na maging parte ng nasabing pelikula dahil sa kakaiba niyang role doon.

Kahit ang anak niya na si Frankie Pangilinan ay tila hindi natuwa sa proyekto ng kanyang ina.

“For the last time, I have no control over the things that members of my family do or opportunities they’re given,” ani Frankie noon.

Ngunit paliwanag naman ni Sharon, hayaan muna siya kahit isang beses na maging kakaiba.

“I am still the same “Sharon” who will still be doing the kind of movies you have loved seeing me in! It’s just that once in a while, please allow me to be different – at least on the screen. I am, after all, an actor. And doing all kinds of roles is part of my job!” ani Sharon.

Mapapanood ang nasabing pelikula sa Agosto 6 sa VivaMax.

 

 

Facebook Comments