Chavit Singson, hindi susuportahan si Manny Pacquiao sa plano nito sa 2022: “Suportado ko lang siya sa boxing”

0

Tila malabo ng makakuha ng suporta si Senador Manny Pacquiao sa isa sana sa mga pinakamaimpluwensiyang tao sa Ilocos region para sa kanyang mga plano sa 2022.

Sa panayam sa kanya sa Dos Por Dos kasama si Anthony “Ka Tunying” Taberna ay ipinaliwanag ni Narvacan, Ilocos Sur Mayor Chavit Singson ang problema niya kay Pacquiao tungkol sa pagtataas ng buwis sa tabako.

Matatandaan na isinusulong ni Pacquiao ang pagtataas ng buwis para sa tabako na isa sa mga produkto ng Ilocos region.

Ayon kay Singson ay maling mali si Pacquiao sa kanyang desisyon na isulong ang dagdag buwis sa tabako.

“Dapat ay hindi siya papasok sa mga isyu na hindi niya alam. Tatlong beses kong sinabi ‘yun pala hindi niya parin naintindihan. Pag tinaas ang taxes, kikita kami ng mas madami,” ani Singson.

Hindi daw alam ni Pacquiao na maaring maapektuhan ang industriya ng tabako sa bansa kung itataas niya muli ang buwis.

Ayon sa kanya ay makikinabang naman daw ang mga probinsiya kung sakaling itaas muli ang buwis sa tabako ngunit naniniwala siya na sobra na ito.

“Ang hindi alam ng ating kaibigan na senador (Pacquiao) na siyam na beses ng itinaas ang tax, sobra sobra na,” sabi niya.

Kahit na may isyu sa pagitan nilang dalawa ay hindi pa naman tuluyang tatapusin ni Singson ang kanyang koneksyon kay Pacquiao.

Nag uusap parin naman daw sila kahit na may okasyon.

Ngunit may tila pasaring ang alkalde kay Pacquiao at sinabi na hanggang ‘boxing’ lamang ang suporta nito sa kanya.

“Eto ang maliwanag, suportado ko parin siya sa boxing, sa politika, mag aral muna siya, isipin niyang mabuti at kung kaya niya na talaga,” mensahe ni Singson.

Bilang kaibigan din daw ay pinapayuhan din ni Singson si Pacquiao na huwag ng ituloy ang binabalak nitong pagtakbo sa pinakamataas na posisyon sa gobyerno.

Laging kadikit ni Pacquiao si Singson sa mga laban nito kaya naman ang mga netizens ay nagulat ng magkaroon ng hidwaan sa pagitan ng dalawa.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag si Pacquiao sa mga banat sa kanya ni Singson.

Facebook Comments
Previous articleBea Alonzo nag salita na tungkol sa desisyon niyang lumipat: “Wala akong tinatapakang tao”
Next articlePangulong Duterte, pigil ang luha habang nakikiramay sa mga naulila ng mga nasawi sa C-130 crash
Rodrigo Extramadura is a Computer Engineering graduate who found his real passion in writing and following the daily happenings in the country.